Advertisers

Advertisers

‘Wag nang maniwala sa mga survey

0 6,091

Advertisers

TATLONG taon pa ang presidetial election pero panay na ang pa-survey ng iba’t ibang organisasyon tulad ng SWS Pulse Asia, Tangere, etc… sa kung sino ang gusto ng mga Pinoy na sunod maging pangulo pagkatapos ng termino ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa 2028.

May pa-survey din sa kung sino ang most trusted president at ex-presidente, at vice president pati sa top elected government officials.

Sa latest survey kuno ng Tangere para sa Presidente ‘28, nanguna si Vice President Sara Duterte-Carpio, sumunod sina ex-Vice Pres. Leni Robredo, at Speaker Martin Romualdez.



Kung totoo ito, ibig sabihin ay marami parin tanga sa ating mga kababayan. Mantakin mong gugustuhin ng marami si Sara na kitang-kita na ang pagiging incompetent nito, tapos sangkot pa sa maraming korapsyon! Kaya nga nahaharap ito sa impeachment case eh. Ewan!

Sa VP nanguna sina Sen. Raffy Tulfo, Sen-elect Bong Go at Sen. Risa Hontiveros.



Kung ako ang tatanungin, the best maging VP ay si Hontiveros. Dapat nga siya ang kumasang Presidente eh.

Nagkaroon din ng survey sa pagitan nina President BBM, VP Sara at ex-Pres. Digong Duterte: Nanguna si Digong, sumunod ang kanyang anak na si Sara at kulelat si BBM



Dahil sa survey na ito ay may mga nanawagan kay PBBM na bumaba nalang sa puwesto. Ngek!

Again, kung totoo ang survey na ito, marami parin talagang tangang botante. Mantakin mo ang isang dating pangulo na nahaharap sa maraming kasong korapsyon, mga paglabag sa human rights, at naglubog sa bansa sa napakalaking utang, ay “most trusted” parin sa survey. Yawa!

At kung ang survey lang ang batayan para pababain ang isang elected govt. official, aba’y ‘wag nang pairalin ang batas tungkol sa termino ng isang public officials. Idaan nalang sa survey ang pagpapababa sa kanila. Animal!!!

Sa nakaraang eleksyon, napatunayang wala nang kridibilidad ang mga survey, na ito’y gawa-gawa nalang ng survey firm na binayaran ng malaki ng isang politiko para gawin itong number 1 sa survey para mapag-usapan ng publiko at tumaas ang kanyang popularidad.

Halimbawa nalang sina Senator-elect Bam Aquino at Kiko Pangilinan. Never silang pumasok sa top 12 ng senatoriables, pero nag-No. 2 si Aquino at No. 5 si Pangilinan, at nalagalag ang mga nangungunang sina Bong Revilla at Manny Pacquiao.

Sa galit ni ex-Sen. Bong Revilla, magsasampa raw ito ng Cyber Libel sa mga “sumira” sa kanyang imahe. Hahaha…

Si Pacquiao naman, sa laki ng ginastos sa eleksyon, nag-balik boksing nalang. Sana manalo siya sa kanyang comeback fight, title fight!

Balik tayo sa usapang survey. ‘Wag na natin itong tangkilikin. Raket ito ng mga nasa likod ng mga pa-survey. Mismo!

At matagal pa ang 2028 para ito pag-usapan. Marami pa ang mangyayari. Baka nga hindi na abutin ng 2028 yang sinasabing susunod na pangulo ng bansa eh. Hehehe…

Magtrabaho muna tayo!