Advertisers
VIRAL ang mga larawan ng isang babaeng mala-horror movie character na si Sadako na basta na lamang lumabas mula sa imburnal sa Makati City.
Kuha ang mga larawan sa kanto ng V.A. Rufino at Adelantado Streets sa Legazpi Village 4:00 ng hapon ng Mayo 26, na ibinahagi ng netizen na si Rough Masterpiecei sa Reddit.
Ayon kay Rough Masterpiecei, isang “military man on a scooter” ang humabol sa naturang babae.
“I had just finished at the gym and was walking back home, camera in hand, doing a bit of a photowalk. Just at the corner of VA Rufino and Adelantado, I saw something that made me freeze — a head coming out of a street drain. Instinct kicked in. I started snapping photos — couldn’t believe my eyes.
“She ran past me, the military guy in pursuit. A few pedestrians, motorcyclists and even the traffic enforcer just stood there stunned, confused, maybe even a little amused,” saad ng Reddit user.
Samantala, naniniwala ang Makati Police na isang street dweller ang babae na madalas nagpapahinga malapit na kanal.
Upang maiwasang maulit ang naturang insidente, nilagyan na ng steel railing ang butas kungsaan dumaan ang babae.
Hindi pa alam kung ano ang kanyang ginawa sa loob ng drainage.