Advertisers

Advertisers

UST wagi vs UPIS sa Shakey’s girls volleyball

0 38

Advertisers

KINASTIGO ng University of Sto.Tomas ang University of the Philippines Integrated School (UPIS), 25-20, 25-13, Huwebes, nakamit ang kanilang ikalawang tagumpay sa 2025 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (SGVIL) Rising Stars Cup sa La Salle Green Hills Gym.

Kimberly Rubin umiskor ng 13 points on nine attacks at four aces, habang si Aneeza Santos at Ryzel Laag nag-ambag ng tig-5 points para sa UST, na nagtala ng 25-20, 27-29, 25-19, wagi laban sa St. John’s Institute-Bacolod sa opener.

Nalasap ng UPIS ang kanilang ikalawang kabiguan matapos yumuko sa Far Eastern University-Diliman, 9-25, 12-25, Miyerkules.

Samantala, defending champion Adamson University denimolis ang University of Perpetual Help System Dalta, 25-4, 25-12, para sa kanilang unang panalo sa Pool A.

Sa Pool B, Bethel Academy winalis ang Holy Rosary College, 26-24, 18-25, 25-21, para mag improve sa 1-1.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Eunice Suamer at Joanne Reducto umiskor ng 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod,para sa Bethel Academy, na natalo sa Chiang Kai Shek College, 15-25, 22-25, Miyerkules

Sa Pool C, King’s Montessori School nagwagi kontra Corpus Christi School, 25-16, 25-12.

Sa Division 2, De La Salle Zobel B at La Salle Green Hills nagwagi sa kanilang kanya-kanyang laban para magsalo sa Pool E lead sa 2-0.

DLSZ-B giniba ang Assumption College-San Lorenzo, 25-21, 25-18, habang ang LSGH pinatalsik ang Everest International Academy, 26-24, 25-22.