Advertisers
Thunder ang kalaban ng Pacers sa NBA Finals.
Pangalawang pagkakataon ito ng Indiana na madagit ang korona.
Noong 2000 ay bigo sila kontra sa LA Lakers.
Itio namamg OKC ay huling nasa kampeonato taong 2012 nang hindi nila kinaya ang Miami Heat.
Ang Pacers ay nagwagi ng titulo noong 1979 nang nasa Seattle pa sila at may bansag na Supersonics.
Sino sa tingin nyo sa dalawa ang matitira sa dulo?
***
May sampung koponan sa NBA ang hindi pa naging kampeon. Ito ang Nets, Hornets, Pacers, Clippers, Grizzlies, Timberwolves, Pelicans, Magic, Suns at Jazz.
Lima sa kanila ang hindi man lang nakatuntong sa kampeonato ng liga. Yan ang Clippers, Hornets, Grizzlies, Timberwolves at Pelicans.
Pero naniniwala si Ka Berong na darating din ang panahon nila.
***
May isa tayong basketbolista na hindi naiulat na olat nitong nagdaang halalan.
Si Bonel Balingit ay hindi pinalad sa pagtakbong konsehal sa ikalawang distrito ng siyudad ng Cebu. Ang tinaguriang Man Mountain at Gentle Giant ay pang 28 lang sa halalan ng mga miyembro ng city council 2D.
Ang 6′ 9 at 300 lbs na sentro ay may 21,594 na boto. Malayo siya sa pumasok na walong mga kagawad sa 2ndD ng Sangguniang Panglungsod.
Ang ex-PBA player ay nag-artista pagkatapos ng basketball career. Isa sa naalala ni Pepeng Kirat ay ang pinagbidahan niya ay ang Kool Ka Lang na sitcom sa GMA kabituin sina Raymart Santiago at Joey Marquez.
Ang tubong Kapatagan, Lanao del Norte ay kasama sa mga pelikulang Tong Tatlong Tatay Kong Pakitong-kitong at Ispirikitik.
Sa pro league ay nagdribol siya sa Swift at Purefoods.
***
Natutuwa si Aling Barang sa tagumpay ni LA Tenorio bilang coach ng Gilas Under 16 sa SEABA. Unang tungkulin yan ni Tenyente bilang head coach. Buong suporta sa kanya mga taga- GSM.