Advertisers

Advertisers

P6.8 MILYON HALAGA NG SHABU NADISKUBRE SA ‘LADIES WEAR AND BAGS’

0 32

Advertisers

ISANG 28-anyos na babae na nagpanggap na claimant ng parsela mula sa isang bodega ng Central Mail Exchange Center (CMEC) ang inaresto ng mga awtoridad makaraang madiskubre na naglalaman ito ng iligal na droga noong Lunes, Hunyo 2, 2025 sa Pasay City.

Sinabi ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC), NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) at Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) na ang parsela ay idineklara bilang “ladies wear and bags” dahil sumailalim ito sa X-ray scanning machine ngunit nadiskubre ng mga awtoridad na naglalaman pala ito ng methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu.

Ang naturang iligal na droga ay nagkakahalaga umano ng P 6,854,400 milyon piso.



Sa ulat ng pulisya, nagpakita ang suspek ng valid identification para ma-claim ang parsela na naglalaman ng humigit-kumulang 1,008 gramo ng shabu na lumalabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Act of 2002. Siya ngayon ay nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sasampahan ng kaukulang kaso sa Pasay City’s Prosecutor’s Office. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">