Advertisers

Advertisers

Pacers,wagi vs Thunder sa Game 1 ng NBA Finals

0 6

Advertisers

NAKAMIT ng Indiana Pacers ang buena manong panalo sa Game 1 ng NBA Finals kontra Oklahoma City Thunder sa iskor na na 111-110 Huwebes ng gabi.

Ang dikitang laban ay ginanap sa Paycom Center sa Oklahoma City, at nagmistulang isang dramatic comeback para sa Pacers.

Si Tyrese Haliburton ang naging bayani ng laro matapos ang kaniyang game-winning jump shot na may 0.3 seconds na lang ang natitira sa time clock.

Ang Thunder, na siyang top seed sa playoffs, ay may 15-point lead sa ikaapat na quarter, ngunit nagawang baliktarin ito ng Pacers sa huling bahagi ng laban.

Si Pascal Siakam at Myles Turner naman ay nagbigay rin ng mahalagang kontribusyon sa panalo ng Indiana.

Sa labang ito ay nagmistulang sampal at malaking hamon sa Thunder, lalo sa homecourt nila ginanap ang laban.