Advertisers

Advertisers

RUFFA NADULAS ANG DILA, BARBIE IMPERIAL ANG NASABI SA HALIP NA FORTEZA

0 38

Advertisers

Ni Beth Gelena

HINDI pa nasusundan ang project ni Barbie Imperial mula nang matapos ang episode niya sa Batang Quiapo.

Sa ngayon ay tahimik ang career ng aktres kaya panay post siya sa kanyang social media ng mga bagong larawan.

Tahimik na rin ang isyu sa kanila ni John Estrada at maging ang pagkakalink niya kay Richard Gutierrez ay hindi na rin gaanong napapag-usapan.

Guest si Ruffa sa Fast Talk with Boy Abunda, kamakailan.

Sa panayam ni Kuya Boy sa former beauty queen ay nadulas ang dila ni Ruffa nang mabanggit ang name ni Barbie Imperial imbes na Barbie Forteza na kasama niya sa isang teleserye ng Kapuso Network.

Wika niya, “This is directed by Mark Sicat dela Cruz with Barbie Imperial… Barbie Forteza! Oh my God… Imperial,” natatawang sabi ni Ruffa.

Halatang nabigla at napakamot na lang sa ulo si Ruffa habang humingi ng paumanhin.

“I am so stressed… wait,” pakli pa niya.

Natanong tuloy siya tungkol sa relasyon nina Richard at Barbie.

Inamin niyang naguguluhan siya sa sitwasyon ng dalawa at wala daw siyang kasiguruhan.

Viral at patok sa mga manonood ang naging blooper ni Ruffa sa live interview ni Kuya Boy.

Sa follow-up interview, aniya, “I don’t know. Isa pa yon… minsan bumpy, minsan okay. Naguguluhan na ako sa kanila!” sabay tawa.

Unang beses nakatrabaho ni Ruffa ang dalawang Kapuso aktres na sina Barbie at Kyline Alcantara.

“Napakabait nilang dalawa… Super sweet, super simple, and napakahusay umarte.”

Binigyan pa nga niya ng love advice ang dalawang aktres.

“Have self-respect and wait for the person that’s really deserving of your love. Don’t settle for less,” diin niya.

Sa update news naman sa kanila ng dating alkalde ng Quezon City, si Herbert Bautista, inamin niyang may pinagdaraanang “bump” ang kanilang relasyon, so far.

Hindi man niya idinetalye, ipinahiwatig niyang hindi sila kasalukuyang in good terms.

***

TONI AT DIREK PAUL MULING NAGPAKASAL SA 10TH YEAR ANNIVERSARY

USO yata ngayon sa celebrity couples na kapag umaabot na ng isang dekada ang pagsasama ay muling magpapakasal.

Kamakailan lang ay sina Patrick Garcia at Nikka ang nag-renew ng kanilang vows para sa kanilang 10th year anniversary.

Nitong nakaraang Independence Day naman ay sina Toni Gonzaga at direk Paul Soriano ang muling nagpakasal to celebrate their 10th wedding anniversary.

Sa social media ng TV host-actress ay pinost niya ang larawan nila ni direk Paul na muling ikinakasal.

Kasama nila sa larawan ang dalawa nilang anak na sina Seve at Polly.

Makikita sa larawan si Toni habang naglalakad sa aisle sa simple niyang kasuotan.

Simpleng “10th,” lang ang sinulat na caption ni Mrs. Soriano with a white heart emoji.

Ang komento ng kaibigan niyang si Mariel Padilla, “Aawwwwww, did you cry?”

“Happy anniversary sa inyo,” sey naman ni Ogie Alcasid.

Just recently, Toni shared two photos of her feet wearing glittery heels captured in 2015 and 2025, respectively.

Ang unang snap ay kuha sa kanilang wedding day 10 years ago.

Along with the stunning photos, the actress and host also penned a caption that reads, “I still do… 2015 | 2025,” hinting at her and Paul’s vow renewal.

***

KORINA BINAHAGI ANG BIGGEST FAKE NEWS NA NANGYARI

SA isang panayam sa veteran journalist na si Korina Sanchez, ibinahagi niya ang biggest fake news tungkol sa kanya.

Apat na dekada na si Kotina sa larangan ng news at current affairs. Mula sa pagiging field reporter, news anchor, and a journalist with special assignments, hanggang magkaroon siya ng sariling magazine show.

Hindi man sa showbiz ang status ni Korina, isa rin naman siyang celebrity.

Dahil well-known siya sa kanyang craft, nahahanay din siya sa controversies at nabibiktima ng fake news. Pag-amin ng veteran journalist na ang mahirap daw na labanan ay ang fake news.

Natanong tuloy siya kung ano ang biggest fake news tungkol sa kanya.

Pagbabahagi niya, “Ahhhh! Parang may anak daw ako kay Ping Lacson?! Ano ba?!”

“Hindi ba, may ganoon? May ganoon ako dati, ha? Dati. Pero iyon ang naaalala ko na, ‘Ano?!’ Hindi ba?” dagdag pa niya.

Na-open tuloy kung fake news din daw ba na naging couple sila ni former President Noynoy Aquino (RIP).

Pag-amin ng veteran broadcast journalist,

“Naging boyfriend ko talaga si PNoy. Baka iyan ang headline mo, magalit sa akin ang asawa ko!” Eight months lang daw ang kanilang naging relasyon, ang shortest relationship she ever had. Kapag may karelasyon daw kasi siya noon umaabot ito ng five or eight years.