Advertisers

Advertisers

2 MENOR DE EDAD TAGA-PATUKA NG MANOK KASAMA SA MISSING SABUNGEROS, MGA BANGKAY NILAGYAN NG SANDBAG BAGO ITAPON SA TAAL LAKE

0 60

Advertisers

ISINIWALAT ng isa sa mga suspek na gusto nang maging testigo ang umano’y paraan upang madispatsa ang mga bangkay ng nawawalang mga sabungerong inilibing daw sa Taal Lake.



Ayon sa nagpakilalang “Totoy”, itinali sa sandbag ang mga bangkay ng mga naturang sabungero upang lumubog ang mga ito sa palaisdaang bahagi ng Taal Lake.

Giit pa ni Totoy, isa siya sa sa mga nagbibigay ng pera at humahanap sa mga maaaring dumukot at tumumba sa mga biktima. Paglilinaw pa niya, isang malaking grupo ang tumatrabaho sa mga nawalang sabungero na pawang mula sa hanay ng pulisya.

Kamakailan lang nang gumawa ng ingay ang rebelasyon ni Totoy na sa Taal Lake inilibing ang lahat ng 34 na napaulat na nawawalang sabungero, kabilang na raw ang ilang drug lords.

Ayon pa kay Totoy, kabilang sa mga pinatay na nawawalang sabungero ang dalawang menor de edad na nagtatrabaho lamang bilang mga tagapagpatuka ng manok na panabong matapos silang sumama sa kanilang amo sa Laguna noong 2021.

Samantala, inihayag narin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinag-aaralan na nila ang mga isiniwalat ni Totoy at ikinokonsiderang makipagtulungan sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy upang marekober ang umano’y bangkay ng mga biktima sa Taal Lake.

Nangako rin si PNP Chief, General Nicolas Torre, na nakahanda siyang bigyan ng proteksiyon si Totoy at dakpin ang mga nasa likod ng pagdukot at pagpaslang sa naturang mga sabungero.