Advertisers

Advertisers

Nawawalang law student natagpuang naaagnas na sa Cavite City

0 40

Advertisers

NATAGPUAN na subali’t wala nang buhay ang nawawalang 25-anyos na law student na nag-aaral sa isang prestihiyosong pamantasan sa Bo-nifacio Global City, na napau-lat na nawala Linggo ng Hunyo 8.

Ipinanawagan ng Taguig City Police Station ang pagkawala ni Anthony Gra-nada na huling namataan sa kaniyang condominium unit sa Taguig City.

“He was last seen around 6:30pm at Ridgewood Premier Condominium along C-5 Road Northbound in Taguig City,” mababasa sa post.



Dagdag pa nila, “Anthony is known to frequent the Taguig area due to his studies,” mababasa sa post ng pulisya.

Samantala, sa update ng kuya ni Anthony na si Ricky Granada, Sabado, Hunyo 21, sinabi niyang natagpuan na nila si Anthony subali’t patay na ito.



Hindi nagbigay ng anumang detalye si Ricky hinggil sa pagkamatay ni Anthony, subali’t humiling siya ng privacy sa mga tao upang makapagluksa sila sa pagkamatay ng bunsong kapatid.

Batay sa mga ulat, natagpuan ang bangkay ng nakababatang Granada sa isang bakanteng lote sa Naic, Cavite.



Sa ebidensyang hawak ng pulisya, sa gabi ng pagkawala ni Granada, makikita sa CCTV footage na sumakay siya sa isang kotse na-book niya sa isang ride-hailing service, at nagpababa sa Naic Town Plaza.

Nahagip sa CCTV noong Hunyo 17 na naglalakad si Granada mag-isa sa Lopez Jaena Bridge 9:20 ng gabi.

Nakarating naman sa kaalaman ng pulisya na may nakitang bangkay sa isang bakanteng lote sa Barangay Sapa, na nasa “advanced state of decomposition” na.

Kinumpirma ng mga kaanak ni Granada na siya nga ang nabanggit na bangkay. Ina-alam pa sa imbestigasyon kung ano ang dahilan ng kaniyang pagkamatay.