Advertisers

Advertisers

‘Paihi’ gang nalansag, P219m smuggled diesel nasabat sa La Union

0 38

Advertisers

NALANSAG ng Bureau of Customs’ (BOC) Customs Intelligence and Investigation Services-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ang tinaguriang ‘paihi’ gang at nasamsam ang P219.5 million halaga ng smuggled fuel sa La Union Port.

Kasunod ito ng operasyon ng mga ahente ng CIIS-MICP, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana at National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang intelligence at enforcement operations matapos matanggapang ulat hinggil sa modus ng ‘paihi’ o ilegal na pagsasalin ng produktongpetrolyo sa La Union Port.

Ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio mahalagang paigtingin ang kampanya at operasyon laban sa ilegal na pagpasok sa bansa ng unmarked fuel dahil maliban sa epekto nito sa ekonomiya, delikado din ito samga cosnumer.



“The disruption of this ‘paihi’ modus that brings unmarked fuel into our communities is vital for protecting the lives of our citizens. I am extremely grateful for the dedication and sacrifice of our agents who continue to fulfill their mandates, often times putting their lives at risk by intercepting these smuggling organizations and protecting the lives and livelihoods of hardworking Filipinos,” ayon kay Rubio.

Sinabi naman ni BOC-CIIS Director Verne Enciso na nahuli ng composite team ng BOC-CIIS, PCG, at NBI agents ang motor tanker Bernadette sa aktong nagsasagawa ng “paihi.”



Giit ni Encsiso naaktuhan ang MT Bernadette habang naglilipat ng diesel sa lorry truck at dalawang truck ang nakitaang naglalaman ng diesel fuel mula sa motor tanker.

Sa inisyal na imbentaryo, lulan ng motor tanker ang nasa 200,000 liters ng diesel fuel habang ang lorry trucks ay may karga na 19,000 liters ng diesel fuel at 40,000 liters ng diesel fuel.



Sa kabuuan nakumpiska ng mga awtoridad ang 259,000 liters ng diesel fuel.

Bigo ang 10 crew ng MT Bernadette na magpakita ng dokumento namagpapatunay na legal ang kanilang aktibidad.

Maliban sa mga crew, 11 iba pa na kinabibilangan ng mga drivers, porters, lookouts, at iba pang kasabwat ang nahuli ng mga awtoridad.

Agad ipinroseso ng NBI-OTCD team ang 21 indibidwal na naaresto para sa pagsasailalim sa inquest proceedings.

Nahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang mga sangkot sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at TRAIN Law. Tiniyak ng BOC na mas paiigtingin pa nila ang kampanya kontra fuel smuggling upang wakasan ang crimininal network na ito at upang hindi na maulit pa ang mga ganitong mga aktibidad.