Advertisers

Advertisers

SELOS ANG PUNO’T DULO NG BANGAYAN

0 46

Advertisers

Ayaw na sana nating talakayin pa ang sumiklab na BANGAYAN sa pagitan ng ilang kababaihan sa buhay ng dating Pangulong Duterte na ang pinag- ugatan ay matinding selos.

Mismong si Vice Mayor Sebastian Duterte na ang nagpaalala sa mga nagpuputakang partido na tumahimik na at tumigil sa iskandalong nalilikha nito gamit ang ilang kakamping vloggers.

Sa post ni Davao City Vice Mayor Baste,sinabi nito na lahat ng babaeng naiuugnay noon at sa kasalukuyang sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay pantay- pantay at walang nakakahigit kanino man…kasama na dito ang kanilang inang si Ginang Elizabeth Zimmerman-Duterte na annulled na ang kasal kay Tatay Digong.

Si Ma’am Elizabeth ay ina nina VP Sara, Congressman Pulong at Vice Mayor Baste.

Tunghayan po natin ang FB post ni VM BASTE DUTERTE entoto…

” Sem sem but difalen” (Same same but different)

All of these fine ladies touched the life and heart of my father.

No one is above or below the other, including my mother. It is what it is.

So, to any camp: If you don’t stop, it will reveal more of who you are rather than who he is (PRRD THE HOKAGE). Because behind every man, is a woman who believed in him before he believed in himself. Pamalandong ana.

So again, you are all sem sem but difalen, leme labyu long time.

Enough said.

Stop it”

–Malinaw ang binitawang mensahe ni Vice Mayor Baste…

Kung sila nga na naunang lehitimong pamilya at ang kanyang mabait at maunawaing inang si Ma’am Elizabeth Zimmerman ay tahimik sa isyu ng mga babaeng iniuugnay sa kanyang ama,ano nga naman ang karapatan ng sino man na magkomento o makialam sa estado ng BUHAY at pag- ibig ng dating Pangulo.

Kahit magselos ay wala tayong nakikitang karapatan ng sino man para gawin itong iskando sa mukha ng krisis na kinakaharap ni PRRD, except kung may mga nakatago itong agenda na makadagdag sa problema sa halip na makapag- ambag ng solusyon!

Kung inaakala ng mga kalaban ng mga Duterte na ang mga ganitong usapin ay makakabawas sa tiwala at pagmamahal ng milyun- milyong supporters ni Tatay Digong, tila nagkakamali sila.

Bukas- palad at buong pusong tanggap ito ng mayorya ng sambayanang PILIPINO.

Niyakap ng buong- buo ng mga PILIPINO ang pagkatao ni Tatay Digong ng walang pag- aalinlangan noon pa man at magpahanggang ngayon.

Again,ang wala sa lugar na pagse-selos dala ng insecurity dagdagan pa ng matinding stress ay sadyang lasong makamandag na parang kalawang sisira sa sistema at takbo ng kaisipan ng isang indibidwal.

Matutong lumugar sa tama at wag angkinin o ariin ang isang bagay o tao na alam naman ng lahat na walang puwedeng magmay- ari maliban sa kanyang mga anak.

For the love of TATAY Digong,who’s heart & life is for everyone and the Great Lover that he is…thy will be done!

Amen!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com