Advertisers

Advertisers

ANINO NI TRICKY TSIS SI TONGOL

0 68

Advertisers

LABIS na malaki ang impluwensiya ni Tricky Tsis sa impeachment trial ni Misfit Sara. Hindi lang ang mga senator-judges ang kanyang naimpluwensiyahan. Mukhang naimpluwensiyahan ni Tricky Tsis kahit ang bagong hirang na spokesman, o tagapagsalita, ng Senado bilang hukuman sa paglilitis ni Misfit Sara.

Humirang ang dalawang kapulungan ng Kongreso ns mga tagapagsalita upang ihayag ang kanilang damdamin sa isyu ng impeachment trial ni Misfit Sara. Si Antonio Bucoy ang nahirang sa Camara de Representantes; si Reginald Tongol, sa Senado bilang hukuman. Pareho silang manananggol. Hindi pa naidaos ang pagpapatuloy ng paglilitis ng Senado bilang impeachment court, nagbanggaan na ang dalawang spokesman. Pataasan ng ihi, patigasan ng titi.

Hindi tagapagsalita ng Senado bilang hukuman si Tongol. Mas magandang sabihin na siya ang tagapagsalita ni Tricky Tsis bilang Senate president at awtomatikong presiding officer ng Senado bilang hukuman. Hindi kinakatawan ni Tongol ang damdamin ng buong Senado, ngunit siya ang tagangakngak ni Tricky Tsis bilang presiding officer.



Hindi masasabi ang ganito kay Bucoy dahil, bago magbitiw ng salita, mukhang sumasangguni muna siya sa mga kasapi ng 11-katao Prosecution Team ng Camara na uusig kay Misfit Sara sa paglilitis na gagawin ng Senado bilang hukuman. Pero palaban si Bucoy sa palitan ng salita nila ni Tongol. Hindi sila nalalayo sa mga sasabunging manok na nagpapalitan ng tuka sa sandaling magtagpo. Hindi namin kabisado ang kanilang track record bilang mga abogado.

Bago maging opisyal na hinirang si Tongol bilang opisyal na tagapagsalita ng Senado bilang hukuman, nagbigay ng pahayag ang manananggol at sa bawat pahayag, mararamdaman na siya na nga ang tagapagsalita ni Tricky Tsis. Walang puwang ang opinyon o pananaw ng ibang senador sa kanyang pahayag. Tanging si Tricky Tsis ang sinasalamin ng bawat kataga na galing sa kanyang bibig.



Sa unang pulong balitaan, binigyang diin ni Bucoy na hindi lang isang prosesong judicial ang impeachment trial ni Misfit Sara kundi isa rin itong prosesong pulitikal na marapat na sundan ng sambayanang Filipino. Hiningi ni Bucoy na sundan ang bawat galaw ng Senado dahil tanging ito ang paraan kung ginagawa nito ang tungkulin ng malaya, patas at walang kinikilingan, at makatarungan. Mas makatwiran ang ganitong panawagan.

Hindi lang si Misfit Sara ang nililitis, ani Bucoy na tinanggap ang tungkulin bilang spokesman ng Senado bilang hukuman ng walang bayad. Kahit ang Senado ay nililitis ng sambayanan, aniya. Tinitingnan kung patas ito sa pagdinig, aniya. Hindi makakawala ang Senado bilang institusyon sa hatol kalaunan ng sambayanan.



Iba ang paksa ni Tongol. Binigyan diin ni Tongol kung kailan dapat umurong ang isang senator-judge kung sa tingin ng publiko, hindi siya patas at may kinikilingan. Maaari siyang umurong ng boluntaryo, ani Tongol. Maaaring gamitin ng alituntunin ng Senado laban sa makiling. Hindi nalalayo ang alituntunin ng Senado sa Korte Suprema. Hindi namin alam kung magkatugma ang rules ng Senado at Korte Suprema.

Nakita agad na tagangawngaw ni Tricky Tsis si Tongol ng tuligsain ng huli ang Camara sa isyu ng paglilitis ni Misfit Sara. Kinutya ni Tongol ang Camara sa hindi pagsunod sa remand order umano ng Senado sa Camara tungkol sa Articles of Impeachment na isinumite ng huli noong ika-5 ng Pebrero. Dito nasalamin ang kulay ng salawal ni Tongol. Mukhang hindi naiintindihan ni Tongol ang Saligang Batas.

Nais ni Tricky Tsis na harapin ng Camara ang isinumiteng Articles dahil sa mga kamalian umano na hindi natukoy ng paksyon ni Trisky Tsis sa Senado. Tumalima si Tongol sa nais ni Tricky Tsis dahil sa teorya ng huli na mas mataas ang Senado sa Camara sa impeachment. Hindi sineryoso si Tricky Tsis sa kanyang palpak na teorya. Hindi ito totoo ayon sa mga ilang pantas na may alam sa probisyon ng Saligang Batas.

Sa maikli, kahit si Tongol hindi alam ang Saligang Batas. Napapailalim siya sa kagustuhan ng iisang tao ang ito ay walang iba kundi si Tricky Tsis. Sa maikli, nagpapagamit siya kay Tricky Tsis.Kasangkapan lang ni Tricky Tsis si Tongol. Hindi siya dapat sineseryoso. Si Tongol ang tagapagsalita ni Tricky Tsis at hindi na buong Senado bilang hukuman. Iyan ang malinaw. Hindi siya kailangan bilang spokesman g Senado.

***

ITO ang totoo at hindi ang ikinalat na kalatas ng mga DDS: Hiningi ng Office of the Prosecutor sa ICC na huwag bigyan na pansamantalang kalayaan, o “interim liberty” sa wika ng ICC, si Gongdi dahil sa nanatili siyang panganib sa malayang daloy ng paglilitis sa kanya. Maaari siyang tumakas, ayon sa OTP.

Ayon kay ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaya Niang, hindi makatwiran na bigyan si Gongdi ng pansamantalang kalayaan dahil hindi tinatanggap ng dating pangulo ang pagiging lehitimo ng pag-uusig sa kanya at maaaring siyang tumakas upang malusutan ang mga akusasyon sa kanya. Nagsumite ng 15-pahina kalatas si Niang bilang pagtutol sa hiling ng kampo ni Gongdi na mabigyan ng pansamantalang kalayaan.

***

MGA PILING SALITA: “Iba ang war on drugs namin kung ihahambing sa nakalipas. Sa nakaraan, maraming napapatay ngunit kakaunti ang nahuhuling droga. Iyong sa amin, halos walang napapatay ngunit ang dami namin nahuhuling droga.” – Maj. Gen. Isagani Nerez (retirado), hepe ng PDEA