Advertisers

Advertisers

De Jesus kasali sa Gilas Women para sa Asia Cup

0 35

Advertisers

NAKATAKDANG bumalik si US-NCAA Filipino American guard Vanessa De Jesus sa Gilas Pilipinas women’s team.

Sa online press conference Martes ng gabi, sinabi ng 5-foot-8 guard na palakasin niya ang Gilas para sa FIBA Women’s Asia Cup sa Shenzhen, China, mula Hunyo 13 hanggang 20.

De Jesus, na naglaro ng apat na taon sa Duke ay lumipat sa Notre Dame para ubusin ang kanyang final collegiate playing eligibility, ay kabilang rin sa Gilas sa Jones Cup sa Taiwan mula Hulyo 1 to 7.

Huling kinatawan ni De Jesus ang Pilipinas sa 2023 edition ng Asia Cup, kung saan ginawa ang kanyang national team debut at nagrehistro ng 12.8 points, 3.2 assists at 1.2 steals.

Naglaro na naturalized player dahil hindi nya nakuha ang kanyang Philippine passport bago maging 16, tinulungan ni De Jesus ang Gilas sa sixth place finish, sapat na para mapanateli ang kanyang Division A status.

Ngayong taon, nakataya ang World Cup pre-qualifiers spots para sa top six finishers sa Asia Cup, at naniniwala si De Jesus na magawa ng Gilas ngayon.

Ang Gilas ay nakahanay sa Group B kasama ang Japan, Austria at Lebanon, habang ang Group A ay binubuu ng defending champ China, New Zealand, South Korea at Indonesia.