Advertisers
NAGPAKITANG gilas si Maritanya Krogg upang masungkit ang tagumpay sa women’s Youth (Under-17) category sa pagsikad ng PhilCycling Tagaytay City Criterium sa Cavite Miyerkules.
Krogg, na consistent gold medalist sa PhilCycling National Road Championships, ay tinawid ang finish line sa Crisanto de los Reyes Avenue sa harap ng bagong Tagaytay City Velodrome 39 seconds nauuna kay Yvaine Osias at halos minuto laban kay Princess Jaydee Pancho.
Krogg, winner sa Batang Pinoy Nationals, ay tumanggap ng PHP3,000 in cash.
Nangibabaw rin sina Ronald Hualda, Daniel Cortero at Juan Carlos Barrios sa kanilang kanya-kanyang categories sa karera na inorganisa ng PhilCycling at ipinrensinta ng MVP Sports Foundation at ng Philippine Olympic Committee at Tagaytay City.
Dinomina ni Hualda ang sprint sa men’s Masters B (40-above), tinalo si Romeo Camingao at Marc Galedo sa ilalim ng two bike lengths sa event raced mahigit 2.1 km. rectangular circuit laban kay Crisanto de los Reyes, Isaac Tolentino, Acle at Mahogany Avenues.
Binulsa ni Hualda ang PHP5,000 habang si Camingao at Galedo nagkasya sa PHP3,000 at PHP2,000, ayon sa pagkakasunod. Alvin Benosa ang fourth kasunod si Resty Aragon.
Sa men’s Youth (U17), Tinalo ni Cortero si Jerick Cabael at DJ Perez habang Barrios nagwago laban kay Leonel Dimaano at Joey de los Reyes sa men’s Masters A (30-39) class.
Ang tatlong araw na paligsahan ay itutuloy sa Huwebes na ang women’s Under-23 at ang elite sa Biyernes.
Bukod sa medalya at cash price, ang mananalo ay kikita rin ng PhilCycling national ranking points.