Advertisers

Advertisers

DISQUALIFICATION CASE VS MAYOR DEGAMO PINAMAMADALI SA COMELEC!

0 16

Advertisers

Hinimok ang Commission on Elections (Comelec) na agad na resolbahin ang petisyon na naglalayong idiskwalipika si Pamplona Mayor Janice Degamo, dahil mahalagang maresolba agad ang usaping ito para sa pamamahala at katatagan ng komunidad.

Pormal na hiniling ng abogado ni Janice Teves sa Comelec na agad na resolbahin na idiskwalipika si Degamo dahil sa umano’y maling representasyon, idiniin na ang pagtugon sa kaso upang magtitiyak na magkaroon ng maayos na paglipat ng pamumuno at upang itaguyod ang integridad ng electoral process.

“With barely three days left before newly elected officials assume office, the disqualification case against Mayor Degamo remains pending before the Comelec. This is despite the fact that the Commission has already resolved several petitions filed after the one against Degamo,” wika ni Atty. Robert Diokno.



Sa isang pahayag, sinabi ni Diokno na dapat na agad na magdesisyon ang Comelec sa kaso ni Degsamo, na nakabinbin pa rin ang disqualification case sa kabila ng pagresolba sa iba pang disqualification cases nang walang anumang pagkaantala.

“There is no real dispute as to the facts – the core issue is straightforward: whether she met the residency requirement. Yet, the Comelec has remained silent,” pahayag pa ng abogado.



Binanggit ni Diokno, ang disqualification case ni Congressman Benny Abante na inihain noong Mayo 2, 2025 laban kay Congressman-elect Joey Uy na denisiyunan ng Comelec ng wala pang isang buwan.

Kinasasangkutan ang kasong iyon ng mga complex legal questions, kabilang ang pag-verify at pagpapatunay ng mga dokumento tungkol sa pagiging magulang at nationality nito.



Sa kabaligtaran, elementarya lang ang isyu sa kaso ni Degamo. Sa kanyang napatunayang mga sarili sagot, inamin ni Mayor Degamo na patuloy siyang naglilingkod bilang Mayor ng Pamplona, ​​Negros Oriental (Distrito 2), kahit pagkatapos nitong maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) para naging Representative ng 3rd District.

Ang mga parehong agarang aksyon naobserbahan sa mga petisyon laban kay Mayor Jing Capil ng Porac, Pampanga; Mayor Marcy Teodoro ng Marikina; Senator-elect Erwin Tulfo; gobernatorial candidate Ronald Rodriguez ng Camarines Sur; at Bagong Henerasyon party-list, at iba pa.

Paliwanang ni Atty. Diokno, na sa kabila ng kalinawan at kasimplehan ng mga isyung ibinabato laban kay Degamo, lumilitaw na hindi tiyak ng Komisyon, na tinatrato ang kaso na parang nangangailangan ng karagdagang makatotohanang pagpapasiya.

Pahayag pa ni Atty. Diokno, na parehong nakakabahala at hindi makatwiran ang pagkaantala.