Advertisers

Advertisers

PAGBANGGIT SA OPISINA NG UNANG GINANG SA LIHAM NI REPIZO KAY VIADO, IKINABAHALA

0 40

Advertisers

IKINABAHALA ng ilang opisyal ng pamahalaan ang pagbanggit ni sinibak na Bureau of Immigration (BI) Board of Special Inquiry Chairman Gilberto Repizo sa opisina ng Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, sa isang liham na ipinadala nito kay BI Commissioner Joel Viado at lumabas sa media.

Sa nasabing liham, inireklamo ni Repizo si Viado na sinisiraan umano siya sa opisina ng Unang Ginang. Para sa ilang opisyal, hindi tama na isama ang pangalan ng tanggapan ng First Lady sa panloob na sigalot sa ahensya.

“Hindi dapat ginagamit ang pangalan ng opisina ng Unang Ginang sa ganitong bangayan. Wala siyang kinalaman sa operasyon ng Bureau of Immigration,” ayon sa mga ito.

Tanong pa ng mga nakabasa ng liham: Ano ang intensyon ni Repizo sa pagbabanggit ng opisina ng Unang Ginang? Sinadya ba ito upang makalikha ng simpatiya?

Matatandaang si Repizo ang nagrekomenda ng piyansa para sa Chinese detainee na si Tony Yang, isang hakbang na tinutulan ni Viado dahil umano sa paglabag sa mga panuntunan ng ahensya.

Panawagan ngayon ng mga opisyal kay Repizo: huwag nang banggitin ang opisina ng Unang Ginang sa mga personal na isyu at harapin na lamang ang imbestigasyong ipinatawag ng Senado sa pangunguna ni Senador Win Gatchalian.