Advertisers

Advertisers

Pagdismis kay ex-Deputy Ombudsman Carandang, rebyuhin

0 5,100

Advertisers

NAALALA n’yo pa ba si Arthur Carandang?

Oo! si Arthur Carandang, ang Deputy Ombudsman na kinasuhan, dinismis sa kanyang tungkulin at pinagbawalan magtrabaho sa gobierno nang walang due process dahil lamang sa pagpatunay na ang bilyones na laman ng bank accounts ng mag-aanak na Duterte na ibinunyag ni noo’y Senador Antonio Trillanes ay GENUINE!, ‘di PEKE!

Actually, hindi lang si Carandang ang nakaranas ng INJUSTICE sa nakaraang administrasyong Duterte. Ilan pang matataas an opisyal noon ang sinibak sa puwesto nang hindi manlang nagkaroon ng due process. Sinibak sila dahil lamang sa pagbunyag ng katiwalian. Tinanggalan sila ng mga benepisyo at binawalan nang makapagtrabaho sa gobierno.

Ang kaso ni Carandang: dinismis siya sa akusasyong ‘direct violation of the Constitution’, bunga ng pagganap sa kanyang trabaho at pag-imbestiga sa umano’y korapsyon ng pinakamataas na opisyal.

Ang pag-alis sa kanya ay hindi lamang unfair – ito’y iligal, at inalisan siya ng kanyang retirement benefits, na hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik. Kaawa-awa ang matanda.

Ang noo’y DILG secretary na si Ismael Sueno at SRA Chief na si Anna Paner ay bigla ring sinipa ng wala manlang tamang proseso para depensahan ang kanilang mga sarili.

Habang ang ibang inalis sa puwesto ay dahil hindi sumusunod sa agos ika nga, at ang iba ay dahil sa kalaban sa politika.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Ang mga naging kaso nila ay dapat rebyuhin, kung tama ba ang pagkaalis sa kanila? Dapat malaman ng publiko ang katotohanan, Mr. President!

Hinihirit natin ito sa administrasyong Marcos dahil ganito rin ang hinihiling ng pamilya Duterte partikular ng dating pangulo Rody “Digong” Duterte na nakakulong ngayon sa The Hague, Netherlands dahil sa kinakaharap na kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng mga pinaslang sa ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon.

Kung si Digong ay nagde-demand ng due process sa pagkaaresto sa kanya ng International Criminal Court (ICC), dapat ding mabigyan ng due process ang pagkaalis kina Carandang at iba pa, Mr. President.

Dapat rebyuhin ang mga ikinaso sa kanila noon ng administrasyong Duterte. Oo! Kailangan din nilang malinis ang kanilang pangalan at maibigay sa kanila ang mga benepisyo na nakasaad sa batas.

Nananawagan tayo sa Marcos administration:
– Rebyuhin ang lahat nang questionable dismissals mula sa Duterte era, hindi lamang ang kaso ni Carandang.
– Imbestigahan ang mga opisyal na inalisan ng retirement benefits at ibalik sila kung hindi tama ang pagka-alis sa kanila.
– Linisin ang pangalan ng mga biktima ng political persecution.
– Hanapin ang katotohanan sa bawat kaso, deserve nila ng tamang imbestigasyon.

Dapat ipakita ni Pangulong Marcos na sa kanyang administrasyon ang lahat ay may proseso.

Hindi na dapat maulit ang masamang bangungot ng Duterte era. Na ang mga iligalista at sindikato ay mas binibigyan ng pabor kesa mga nagtatrabaho ng maayos.

Just do it, Mr. President BBM. Now na!