Advertisers

Advertisers

“MINING-FREE ZONE” SA MINDORO AT 9 PANG BILLS INIHAIN NI CONG. ARNAN PANALIGAN

0 26

Advertisers

Sa ginanap na Meet the Press nitong martes (July 1, 2025) sa Calapan City ipinahayag ni Assistant Majority Leader at Oriental Mindoro 1st District Congressman Arnan C. Panaligan sa mga lihetimong media na muli nitong isusulong ang House Bill 3891 na layong ideklara ang buong isla ng Mindoro bilang “Mining-Free Zone” na lahat ng uri ng pagmimina, kabilang ang black sand mining, armor rocks mining at mineral extraction ay bawal sa Occidental at Oriental Mindoro.

Ito ay naglalayong mapalakas ang pangangalaga sa kalikasan sa naturang lalawigan. Binigyan diin ni Panaligan na mahalagang pangalagaan ang likas-yaman ng Mindoro para sa kapakanan ng susunod na henerasyon at kabuhayan ng mga residente.

Matatandaan na ang nasabing panukala ay naipasa na noon sa antas ng komite ngunit hindi umusad sa plenaryo, inaasahang muli itong ihahain sa sesyon ng 20th Congress at may mga susunod pang ipa-file na mga bills sa mga darating na araw ang kongresista



Kabilang sa mga unang inihain niya ang Mindoro Island Mining Free Zone Bill, Mimaropa Regional Hospital Bill, Verde Island Passage Protected Seascape Bill, Rights of Nature Bill, Amendments in the Agricultural Tariffication Law, Iron and Steel Industry Development Act, at Ship Building and Ship Repair Industry Development Act. (RONALD BULA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">