Advertisers
KASAMA tayo sa mga nagulat sa isinagawang “balasahan” ni PBBM sa Aduana (Bureau of Customs) habang papalapit ang pagpasok ng huling tatlong taon ng kanyang administrasyon.
Nitong Hulyo 1, pormal nang nanumpa bilang kapalit ni Commissioner Bienvenidto Rubio si NDRRMC executive director, Usec. Ariel Nepomuceno.
“Pamilyar” na rin naman si Comm. Ariel sa BOC dahil dati na rin siyang Deputy Commissioner, Enforcement Group at PCAG Assistant Commissioner kaya alam na rin niya ang “pasikot-sikot” at mga problema sa Aduana na dapat mabigyan ng solusyon.
Natuwa rin tayo na sa ating kaarawan nito lang Hunyo 26, si Comm. Ariel lang sa hanay ng ating mga kaibigan sa gobyerno ang gumawa ng paraan upang personal tayong makasama at mabati kaya muli, ‘Thank You!’
Masasabi ring ‘mixture of old and new faces’ ang nangyaring balasahan sa Aduana dahil ang dalawa sa kanila, katulad ni AOCG Deputy Commissioner Agaton Uvero at Intel Group Depcomm. Romeo Rosales ay nanggaling na rin sa Aduana.
Customs Examiner pa lang noon si Depcomm. Rosales sa MICP at Import Assessment Service director naman si Depcomm Uvero nang una natin silang makilala.
Malaking hamon naman ngayon sa ‘Team Nepomuceno’ ang iniwang ‘legacy’ ng administrasyon ni Comm. Rubio, partikular sa ‘historic high tax collection’ at paglaban sa smuggling.
Sa nakaraang higit dalawang taon ni Comm. Rubio (Pebrero 2023 hanggang Hunyo 2025), nakakolekta ng higit P1.8 trilyon ang BOC at higit P128 bilyon naman ang mga nakumpiskang kotrabando sa “pagtimon” ni ex-Phil. Army general, Juvymax Uy bilang Deputy Commissioner, Intellgience Group.
Ang tanong tuloy ng mga miron? “Matapatan” o “mahigitan” kaya ng bagong administrasyon iniwang ‘legacy’ na ito ni Comm. Rubio at Depcomm. Uy?
Sa galing at abilidad naman ni Comm. Ariel, naniniwala tayong “yakang-yaka” niya ang bagong hamon na ito.
At siyempre, suportado ta ka!