Advertisers
TUNAY na born leader. Ilang dekada na siyang namumuno mula private, corporate hanggañg government agency partikular sa larangan ng sports.
Siya si Patrick ‘Pato’ Grègorio,ang bagong nombrang chairman ng government sports agency na Philippine Sports Commission(PSC).
Bilang parte ng rigodon ng all president’s men sa Palasyo, inappoint si Pato ni PBBM kapalit ni Richard Bachmann bilang bagong chairman ng pinamumunuan na pormal nang ipinasa nito ang baton ng kapangyarihan sa Chairman’s Offìce nitong Martes lamang.
Magmula sa pagiging management czar sa corporate hanggang sa mamuno sa mga NSA sa boxing, basketball at rowing at executive ng Philippine Olympic Committee katuwang ni POC prexy Abraham ‘Bàmbol’ Tolentino, asahan ang kakaibang estilo ng liderato ng pamato sa management expertise na si Pato para sa pagsulong pa ng sports sa bansa at suporta sa mga atleta ng bayan mula grassroot hanggang elite .
Gayundin sa aspetong imprastraktura ng ahensiya na gagawing state of the art ang bawat palaruan na gugugulan ng kaukulang pondo para di na napag-iiwanan ng mga bansang umasenso na rin dahil sa kanilang mahuhusay na sports leader.
Marami siyang inilatag na mga vibrant program sa Philippine sports kaya mapalad ang ating mga atleta at sports community sa pagkakaroon ng eksperyensyado, energetic, determinado, workaholic at lucky 13th chairman ng PSC.
Pambato ng mga bayani ng bayan ,pamato sa lahat ng uri ng bakbakan.Iyan si Pato,patok na patok sa PSC…ABANGAN!!!