Advertisers

Advertisers

WISH NI PACMAN DUMAMI PA ANG PINOY CHESS GMS

0 19

Advertisers

FYI: Si boxing icon Manny Pacquiao ay batikan sa larong billiards, shooter sa basketbol, asintado sa darts, biriterong folksinger at opkors matalas na player at dedicated leader sa larangan ng ahedres o chess sa Ingles.

Ang ating 8- division world boxing champion na si Pacman ay kasali sa cross training niya ang chess bilang pa- kundisyon sa kanyang intelihente na nagagamit niya sa kanyang boxing IQ kung kaya dinadaig ang kalaban na lakas lang ang sandata at kulang ang utak sa arsenal.

Kamakailan ay hinirang si Pacquiao bilang chairman ng bagong tatag na National United Chess Federation of the Philippines( NUCFP) na umani ng todo suporta mula sa chess community na nananawagan ng tunay na pagbabago.



“We want to leave a legacy to the sport by uniting the community first. We’ve seen so much talent in the country,we have heard the sentiments and frustration of our fellow athletes. I want to help and contribute”, saad ni Pacquiao.

Nangugunang sumuporta sa liderato ni Pacman si Filipino super grandmaster Wesley So na ngayon ay naglalaro na sa Estados Unidos.He has expressed willingness to lend a hand to whatever is needed by the new group.



Sumegunda rin sina grandmasters Rogelio Barcenilla, Jr., Julio Catalino Sadorra, John Paul Gomez at iba pang tituladong manlalaro na handang tumulong upang gamutin ang karamdaman sa komunidad ng ahedres.

Si Pacquiao ang siyang founding head ng Pacman Chess Association(PCA) na naka-base sa General Santos City na may lingguhang torneo.



May mga isyu pang lalabas tungkol sa counterpart na NCFP… ABANGAN!!

LOWCUT:Special shoutout to gorgeous ladies na sina Ms Virge Santos,Ms Marites Aborita,Ms VILma Pamplona diyan sa AIC Srs West ,Kyusi.Paturo naman ng sistema kung paano kumubra nang sobra-sobra na habang nagkaKAPE ay nagkakaPERA!Good MORE’EARNING!