Advertisers

Advertisers

‘Missing sabungeros ginarote, winakwak ang tiyan at itinapon sa Taal Lake

0 54

Advertisers

IKINUWENTO ni Julie “Dondon” Patidongan alyas “Totoy” kung paano karumal-dumal na pinatay ang mga nawawalang sabungero.

Sinabi ni Patidongan na nakita niya mismo kung paanong pinapatay ang mga sabungero.

Siya raw ang pumi-pickup sa gumagawa ng ‘tyope’ o nandadaya sa sabong. Dinadala raw niya ang mga ito sa cockhouse, kungsaan pinapasok ng mga sabungero ang kanilang mga manok.



Pagkatapos daw may tatawagan siyang pulis para kunin ang mga nag-tyope.

“Noong una hindi ko alam kung ano ‘yung ginagawa nila. Kasi minsan sunod-sunod na may nangyayaring ganoon. Ngayon nagtataka naman ako minsan, walong tao, pitong tao ‘yung kinukuha nila sa sabungan. Ngayon tinanong ko, ano bang ginagawa n’yo, bakit sobrang bilis naman, mayayari tayo ni Mr. Atong Ang niyan,” kuwento ni alyas “Totoy” kay Pinky Webb.



“Mayroong pulis na nagpapakita sa akin ng video… doon ko nakita kung paano nila pinapatay ‘yung isang tao… paano nila pinapatay ‘yung grupo ng missing sabungero… ‘yung isang tao na ginagamit nila ng tie wire… dinahan-dahan nilang ginagarote hanggang sa mamatay at pagkatapos ay parang winawakwak nila ‘yung tiyan, ‘yung mga laman-laman… karumal-dumal na tingnan ‘yung para sa tao… sabi nila sa akin, lumulubog siya.

Ayon pa kay alyas “Totoy”, pinasunog ni Ang ang cellphone niya na naglalaman ng mga video ng ginawang pagpatay sa mga sabungero.



“Doon sa bahay niya dati sa Mandaluyong napasunog niya ‘yung cellphone ko sa harap ng kanyang driver na tinanggal na niya,” kuwento ni Totoy.

Sa kabila nito ay may iba pa raw siyang hawak na ebidensiya laban kay Ang.

Magugunitang isiniwalat kamakailan ni Totoy na itinapon sa Taal Lake ang mga nawawalang sabungero.