Advertisers
Arestado ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang Pinay na biktima umano ng ‘mail-order-bride scheme’.
Ang 41-anyos na Filipina ay escorted umano ng isang 52-anyos na lalaking Moroccan na ang mga pagkakakilanlan ay pansamantalang itinago bilang pagtalima sa anti-trafficking laws.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, ang babaeng biktima ay una nang sinabi na siya ay patungong Morocco via transit sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kasama ang diumano ay asawa niya, noong June 29 sa NAIA Terminal 1.
Gayunman, maraming nakitang butas sa kanyang mgda pahayag at nang hiwalay na tanungin ukol sa mga detalye ng kanilang biyahe, kapwa paiwas at kaduda-duda umano ang mga naging pahayag ng mag-asawa.
Nagpakita umano ang dalawa ng marriage certificate at iginiit na sila ay kasal subalit nang iprisinta ang dokumento sa BI anti-fraud section forensic documents laborator, napatunayang peke ito.
Agad na itinurnover ang dalawa sa IACAT para sa tamang disposisyon. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)