Advertisers

Advertisers

GEN. TORRE: SINUNOG AT IBINAON SA LUPA ANG IBANG MISSING SABUNGERO

0 35

Advertisers

HINDI lang inilubog sa Taal Lake ang mga nawawalang mga sabungero kundi sinunog at ibinaon sa lupa ang iba, ayon sa patuloy na imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre III, mayroon silang natanggap na impormasyon na hindi lang inilubog sa Taal Lake ang mga nawawalang mga sabungero, ang iba ay sinunog at ibinaon sa lupa.

Aniya, “may mga impormasyon tayong ganyan kaya sinasabi ko based on our information hindi lang sa Taal ang disposal, so pati ang ibang mga lugar na ‘yun tinitingnan din natin at before siyempre ayaw natin i-preempt nga ang ating mga efforts. Hindi namin sinasabi masyado muna,” pagpapatuloy ni Torre.



“So now that you are asking, yes we do are looking into other places na possible disposal area nitong mga hinahanap nating biktima. Tinatago nga natin muna. Kapag sinabi ko ‘di hinukay na kaagad nung mga gumawa nun. Sa totoo lang pagpasensyahan niyo pero ang totoo niyan we are leaving no stones unturned here.”

Sinabi ni Torre na bukod sa Taal Lake, “May iba pang mga ina-identify ang iba na-ting mga witnesses kung nasaan posibleng dinispose ang mga katawan nitong mga missing sabungeros at hina-hanap namin. Pinupuntahan ito. Well may sinasabi sinusunog, may mga sinasabi binaon so malalaman at malalaman natin ‘yan kapag na-recover na natin ang mga katawan.”



Aminado si Torre na isang malaking hamon ang gagawin pagsisid sa Taal Lake kungsaan ‘diumano itinapon o inilubog ang mga biktima:

“Andiyan ang lahat ng challenges eh. hindi naman ibig sabihin na challenging hindi na natin gagawin, dahil challenging siya hindi natin gawin. We will try, we will see how far we can go sa ating mga efforts.



Kapag hindi kaya eh ‘di aminin natin na hindi kaya and we will try another way pero kung makaya naman sa normal na tech diving baka pupuwede,” ani ni Torre.

Tiniyak ni Torre na ginagawa ng PNP ang lahat ng kanilang makakaya upang ma-tiyak na mabigyan at makamit ng pamilya ng mga biktima ang hustiya.

“Wala tayong sisinuhin dito, wala tayong ibang magiging layunin dito kundi big-yan lang ng hustisya itong mga naging biktima ng case na ito.”(Mark Obleada)