Advertisers

Advertisers

Bilang produ… Ogie mas feel ang box office kaysa award

0 26

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

BILANG siya ang producer ng pelikulang How To Get Away From My Toxic Family, tinanong namin si Ogie Diaz kung ano ang mas pipiliin niya kung sakali, box office or awards?

“Pareho,” pakli ni Ogie.

Kung isa lang.

“Box office! E ngayon ang dami-dami ng mga award-giving bodies, hindi mo na alam kung paano sila nagsimula, ano yung pinagkapitan nila, ano yung pinaghugutan nila, bakit bigla na lang sumulpot yung award-giving body na yun.

“So box office. Box office para mas marami pa tayong mai-produce at matulungang production people.

“Siyempre marami rin namang walang trabaho dito, kaya hindi ko naman sinasabing gandahan niyo, purihin niyo nang purihin, hindi.

“Kung nagustuhan niyo, puwede niyong isulat, puwede ninyong i-vlog. Kung hindi niyo nagustuhan, after 7 days na lang, mga August 7 niyo na lang isulat, ha?

Katuwang ni Ogie ng kanyang OgieD Productions na iprodyus ang pelikula ang KreativDen Entertainment.

Mapapanood ito, kung saan artista sina Zanjoe Marudo, Susan Africa, Nonie Buencamino, Sherry Lara, Richard Quan at marami pang iba, sa SM cinemas sa July 30, sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

Tumatalakay ito sa relasyon ng isang mabait na anak sa kanyang pamilyang toxic.

Tinanong namin si Ogie; hanggang saan dapat ang pagmamahal at pag-aalaga sa pamilya?

“Hanggat kaya mo, di ba? Hangga’t mahaba pa yung pisi mo.

“Pag maikli na, pag feeling mo abuso na, ikaw na ang kakawala. Kasi pag pinagbigyan mo pa sila lalo, hanggang sa madurog ka na, hindi nila kasalanan yun, kasalanan mo, di ba?”

***

PABORITONG targetin ng mga hacker ang mga artista, tulad ni Andrew E na na-hack kamakailan ang Instagram account.

Tiyempo pa namang nasa Amerika si Andrew at kanyang pamilya at nagbabakasyon nang madiskubre ng King of Pinoy Rap na hindi na niya mabuksan ang kanyang IG at “Not Available” ang lumalabas.

Umaksyon siya agad at nag-email sa admin ng IG.

Habang isinusulat namin ito ay wala pang balita kung naibalik na ang kanyang IG account.

Nanlumo si Andrew dahil marami siyang memories at photos na naka-upload doon kaya umaasa siya na maibalik sa kanya ang kanyang IG account.

Sa kabila nito ay in-enjoy ni Andrew at mabait niyang misis na si Mylene Yap Espiritu at ang tatlo nilang anak sina Fordy, Ichiro at ang bunsong si Jassley ang kanilang fabulous US vacation.

Napanood namin sa Facebook post ni Ms. Mylene na talaga namang enjoy na enjoy sila sa pamamasyal sa Amerika kung saan wala silang sinasayang na oras sa dami nilang pinuntahang lugar, isa na rito ang Disneyland sa Anaheim sa Hollywood at marami pang magagandang tanawin na makikita mo sa bawat post niya sa FB.

Speaking of Mylene, ang pamilya nila ang nagmamay-ari ng pabulosong The District Boracay na isang class at 5-star na boutique resort sa Station 2 ng mala-paraisong isla ng Boracay.