Advertisers

Advertisers

Heart Evangelista sa pag-ibig: “Be in love, but also be smart”

0 16

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

SSS, as in “super sa saya,” ang aktor at co-host ni Heart Evangelista sa GMA Network game show na The People Have Spoken na si Sean Lucas nang makasama niya ang dating StarStruck finalists na sina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.

Nang ipakilala nina Sean at Heart ang kanilang guests, nakakatuwang ibinahagi ni Sean na anim na buwan pa lamang siya nang ilunsad ang StarStruck 23 years ago.



Ani Sean, “Isa pong malaking karangalan na makasama ngayon sina Ate Yasmien and Kuya Rainier.

“Kasi po ako ay 6 months old pa lang nung i-launch ang StarStruck 23 years ago.”



Sabay namang natawa sina Yasmien at Rainier at sinabing, “Uy, grabe!”

Sa nasabing game show, natanong si Yasmien kung maaari na bang manligaw ang babae sa lalaki sa panahon ngayon.



Tanong, “Sa panahon ngayon, puwede na bang manligaw ang babae sa lalaki?”

Ani Yasmien, “Lalaki pa rin ang dapat manligaw. Kasi sa culture natin bilang Filipinos, dapat panindigan pa rin natin yung ganong kultura. Panatilihin pa rin natin na yung kagawian ng Filipino, yung dalagang Filipina.”

Natanong din si Yasmien kung okay lang bang mangutang ang lalaki para matupad ang bonggang dream wedding ng kanyang minamahal.

Tanong, “Okay lang bang mangutang ang lalaki para pagbigyan ang dream wedding ng pinakamamahal niyang babae?”

Sagot ni Yasmien, “Honestly, sa panahon ngayon, hindi praktikal na mangutang pa para lang ipakita o i-treat ang ibang tao kasi kayo naman ang mangangailangan ng perang ’yan eventually. Ipunin n’yo na lang ’yan for future use. Kaysa naman para lang sa isang araw, wawaldasin n’yo ’yang pera na ’yan.”

Samantala, nang si Heart naman ang tanungin ni Sean tungkol sa dream wedding, simple ngunit direkta ang naging sagot ng TV host.

Ani Heart, “It’s okay to be in love, but also be smart. ’Wag kang tatanga-tanga dahil sa pag-ibig.”

Pak na pak, as in tumpak ka d’yan, Heart. Iwasang maging syonga, as in tanga, sa pag-ibig. Pak, ganern.