Advertisers
Ni Mercy Lejarde
Mananatiling Lopez-led ang ABS-CBN sa pagpasok ng bagong puhunan.
Inaprubahan ngayong Miyerkules (Setyembre 30) ang pagpasok sa ABS-CBN ng bagong puhunan mula sa mga kumpanya ng pamilya Lopez at isang bagong mamumuhunan.
Tuloy ang paggawa at paghahatid ng ABS-CBN ng mga programa, pelikula, balita, musika, at iba pang kuwentong Pilipino sa iba’t ibang platforms.
Gagamitin ang bagong puhunan sa pagbuo ng bagong ABS-CBN, isang content company na nakikipagtulungan sa iba’t ibang partners para maihatid ang mga programa at kuwentong Pilipino sa mas maraming manonood.
Patuloy ang ABS-CBN sa paglilingkod sa mga Pilipino sa pamamagitan ng mga kuwentong nagbibigay saya, impormasyon, at inspirasyon saan man sila nanonood.