Advertisers

Advertisers

“’DI MO DAPAT TALIKURAN YUNG MGA TUMULONG SA IYO”– JESS MARTINEZ

0 31

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MULA sa isang nakaririwasang pamilya, hindi na kailangan ni Jess Martinez na magtrabaho pero pinasok pa rin niya ang showbiz.

“Gusto ko talaga yung… kasi when I did workshop po, out of curiosity lang talaga iyon nung una. Sabi ko, I wanna do something else, kasi parang paulit-ulit na din yung ginagawa ko in my daily life, sabi ko I wanna do something else.

“So I tried doing acting workshop and dun ko na-feel na parang, ‘Oh this is what I’ve been looking for in my life’. “Something new, something na I could express myself,” saad ni Jess.

Maraming celebrities ngayon na mas gustong maging influencer. Si Jess naman baligtad; influencer na siya pero nais niyang mag-artista.

“Kasi po, I’m not for fame. Yung gusto ko sa showbiz, I get to express my emotions. Yung acting po yung gusto ko doon, about yung napapakita ko yung iba’t ibang personality ko and at the same time, mas napu-push ako.

“Kasi when it comes to being an influencer, it’s routine-based po e, parang ito ng ito yung ginagawa ko and what I love about being in the showbiz is, iba’t ibang characters siya. So mas nahahasa ako as a person.”

Saan siya ipinanganak at lumaki?

“Actually, I grew up in Davao City, like we moved there when I was in second grade, 7 years old. Pero I was born in Cotabato City po. Then we moved here…well, nabili yung house around 2017 or 2018, but I moved here around 2020, like yung hindi na ako umuwi talaga.”

Talent ng Artist Circle talent management ni Rams David si Jess, at ang discoverer niya ay ang isang pang alaga ni Rams, ang character actress na si Shyr Valdez.

Marami raw siya natutunan kina Rams at Shyr.

“Si Tito Rams talaga actually and si Mommy Shyr, sinasabihan talaga ako to always stay grounded.

“‘Kahit na ano’ng maabot mo sa showbiz, dapat grateful ka pa rin sa mga tumulong sa iyo in the industry and hindi mo talaga dapat talikuran yung mga tumulong sa iyo. Kasi you wouldn’t be where you are right now if not for them’.”

Ano ang bucket list ni Jess sa pagpasok sa showbiz? And ano naman ang na-check na niya sa kanyang bucket list?

“Na-check is ma-meet si Ms. Marian [Rivera]. The next is na-check doon yung heavy drama, kasi heavy drama yung genre ng Abot Kamay.

“Actually nache-check na siya halos and also ngayon naman is yung action. Gusto ko din talaga yung action kahit girly-girly ako, sa Sanggang Dikit FR.”

Pulis si Jess sa nabanggit na serye nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa GMA.

Sexy roles?

“Hindi ko po kaya.”

Apat silang magkakapatid at bunso si Jess.

“Yung ate ko po, yung pinaka-eldest is 30 and then the next one is 29 and then my kuya is 26 and I’m 23 po.”

So bilang bunso, spoiled siya?

“Yes po, aminado naman po ako. Ha! Ha! Ha! Pero since nga po pangatlo yung kuya ko and I’m the youngest mas mahigpit po siya kesa sa parents ko.

“Super mahigpit po siya, mas lalo na sa mga guys po. Siya talaga yung tumitingin kung pasado, kung hindi pasado sa kanya… kasi minsan pinagtatanggol ko na cute naman, ganyan, i-turn off niya talaga, like sasabihin niya, ‘Hindi iyan cute’, hanggang mabe-brainwash po ako, so hindi ko na magugustuhan. Ganon yung tactics niya po,” kuwento pa ni Jess na no boyfriend since birth o NBSB.

“Never pa ako na-in love. Nagka-crush, yes.”

Umabot naman sa date?

“Umabot sa date, pero nasa gilid lang po yung bodyguard. Ha! Ha! Ha!”