Advertisers

Advertisers

P22.85 MILYON AYUDA SA GEN SAN

0 19

Advertisers

TUWANG-tuwa ang ating mga mangingiisda diyan sa General Santos City dahil noong nakaraang linggo ay dinalaw sila ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” R. Marcos Jr., na nagdala pa ng P22.85 milyong halaga ng ayuda.

Kabilang rito ang mga iniaatas ni PBBM sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na magdala ng mga fishing gears, marine facilities, equipment, marine culture inputs. Kasama dito 11 ‘fish aggregating devices’ na nagkakahalaga ng P2.2 million; salt production tools, kasama ang mga solar dryers at mga cooking setups na nagkakahalaga ng P5.9 million; mga bangka at marine engines na nagkakahalaga ng P2.2 million; fish cage inputs at fingerlings na P1.92 million; ‘a village-type fish processing center costing P1.5 million’ ; fish processing equipment and marketing supplies valued at P500,000; at P8.6 million na inilaan naman ‘seaweed farm implements at nursery maintenance.’

Di ko na itinagalog sa inyo dahil mas madali silang intindihin sa salitang english, dahil ito nga ang talagang mga pangangailangan ng ating mangingisda roon.

“Dahil sa grant, hindi kami gumagastos kaya malaking tulong sa amin at sa kabuhayan namin,” ang sabi ni Rasid Bani, miyembro ng Sapu Masla Fisherfolk Association sa Malapatan, Sarangani.

Benepisyaryo si. Bani ng tinatawag na Special Area for Agricultural Development (SAAD) program, at para sa kanya napakalaking bagay ang mga interventions ng pamahalaan sa kanilang mga paghihirap.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Sisigla pihado ang kalakalan diyan sa Gen San, dahil sa nga ayudang inilapag ng Pangulo, at maiaangat ang buhay ng ating mga mangingisda sa probinsiyang iyan.

Di lamang kasi, mga ‘tuna’ ang masasarap na huling isda riyan, iba pang magaganda at masasarap na lamang dagat. Kasama na diyan ang seaweeds na mabenta rin di lamang para sa consumption ng atingblocal market, kung di pati sa abroad.

Ang maganda pa riyan ang programang “Ugnayan with Fisherfolk” na pinangungunahan mismo ng Pangulo kasama si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., ay talagang nakakapaghimay ng mgs suliranin ng ating mga mangingisda na tinutugunan agad ng pamahalaan.

Sa katanuyan, ang dalaw na iyan, ay nagbunga rin para ianunsiyo ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), na siyang nagpapatakbo ng General Santos Fish Port Complex, na mayroong P2.48-billion multi-year infrastructure project silang sisimulan na magpapalawig sa kapasidad ng port complex kasama dito ang isang bagong cold storage facility na inaasang matatapos sa 2027.