Advertisers

Advertisers

Mga testigo sa pagkawala ng mga sabungero, madadagdagan pa – DOJ

0 37

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na inaasahang madagdagan pa ang mga testigong maaring lumantad hinggil sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sinabi mismo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, mayroon pang mga testigo o indibidwal ang posibleng makuha ng kagawaran kaugnay sa naturang kaso.

Kung saan kanyang sinabi na ito’y bukod pa sa lumantad na testigong si alyas ‘Totoy’ o Julie ‘Dondon’ Patidongan na siyang nagsiwalat sa mga naunang rebelasyon.



Kanyang ibinunyag kasi kamakailan na matapos patayin ay inilibing umano ang mga nawawalang sabungero sa bahagi ng Taal lake.

Dagdag pa ni Justice Secretary Remulla, ang mga panibagong darating at makukuha pang testigo ay inaasahang makapagbabahagi umano ng ilang impormasyon hinggil sa aktibidad ng Alpha group.



Matatandaan na kamakailan ay nabanggit ng naturang kalihim ang patungkol sa Alpha group kung saan ito umano ay binubuo ng nasa 20 indibidwal sa industriyang e-sabong na iniuugnay ngayon sa pagkawala ng mga sabungero.

Buhat nito’y nagbigay babala si Remulla lalo na sa mga sangkot at may kinalaman sa kaso na lumantad na.



Ani Remulla, huwag ng hintayin pa na sila’y habulin at tiyak naman daw na kanila itong mahahabol sa patuloy nilang pagsasagawa ng imbestigasyon.