Advertisers
SISIMULAN na raw, dapat lang, ng Department of Justice (DoJ) ang paghahanap at pagsisid sa mga labi ng missing sabungeros na dinukot sa kanilang tahanan at sabungan noong 2021 hanggang 2022, kasagsagan ng online sabong ng grupo ni Atong Ang.
Sa mga impormasyong nakalap ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni General Nicolas Torre na ang mga bangkay ng ibang nawawalang sabungero ay sinunog at ibinaon sa lupa. May lead na raw sila kung saang lugar nila ito matatagpuan. Ininspeksyon na nga raw nila ang mga lugar.
Ayon naman sa lumutang na suspek na gustong maging state witness na si Julie Patidongan alyas “Totoy”, ang ibang bangkay ng mga nawawalang sabungero ay inilubog sa isang palaisdaan ng isa sa mga suspek sa Taal Lake sa Talisay, Batangas.
Say ni DoJ Secretary “Boying” Remulla, ang palaisdaan na inuupahan ng isa sa mga suspek ay ‘ground zero’ na para sa pagsisid.
Humingi ng tulong si Boying sa Japan govt. para masisid ang mga labi ng mga biktima simula nitong Huwebes.
Kaabang-abang ito, mga pare’t mare. Dahil ang mga sangkot dito ay ang grupo ng gambling tycoon na si Ang, kasama ang kanyang special friend na actress na si Gretchen Barretto at bigtime sabungeros Eric dela Rosa at Engr. Celso Salazar.
Ang naghudas sa kanila ay ang kanila ring dating security, kumpare at utusan na si alyas Totoy na kanila raw pinagbantaan patayin pati ang pamilya nito kaya kumanta sa publiko.
Ito ang sinasabi na ‘ang matalik na kaibigan ay pinakamasamang kaaway’. Mismo!!!
Actually… karma na ito sa mga taong ginagawang Diyos ang kuwarta, pumapatay ng kapwa dahil lamang sa pagkagahaman sa salapi. Diyos narin siguro ang gumawa ng paraan para sila mag-away-away at mabunyag sa publiko ang mga krimen nilang ginawa.
Sayang ang bilyones nilang ari-arian at kuwarta sa bangko kapag nahatulan sila ng multiple murder. Mabubulok sila sa bilangguan. Araguy!!! Ang karma nga naman…
***
NAGSAMPA ng Kontra E-Sugal Bill (House Bill No. 1351) sina Akbayan Partylist Representatives Chel Diokno, Perci Cendaña, Dadah Ismula at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.
Ito ay kasunod ng mga ulat ng tumitinding gambling addiction partikular sa mga kabataan.
Say ni Diokno: “Sa pamamagitan ng panukalang ito, mas mapoprotektahan natin ang ating mga kababayan mula sa panganib ng e-sugal, at mas maiiwasan ang pagkalubog sa utang at pagkakawatak-watak ng mga pamilya.”
Ang kanilang proposed measure:
* Seeks to limit access to online gambling to individuals aged 21 and above;
* Mandates strict Know-Your-Customer (KYC) protocols, requiring a national ID or government-issued identification for registration;
* Bans e-wallets and super apps from advertising and linking to online gambling;
* Bans online gambling ads in public spaces;
* Mandates that PAGCOR set daily, weekly, and monthly betting and loss limits to promote responsible gambling practices, and that players will be auto-suspended upon breaching the PAGCOR-defined time or loss limits;
* Places a 10% tax on online gambling that will fund addiction rehabilitation, education, enforcement, and research;
* Establishes a National Online Gambling Self-Exclusion Registry to be maintained and administered by PAGCOR;
* Requires the government to adopt a comprehensive, evidence-based, and multi-sectoral approach to prevent and mitigate gambling-related harms.
Sa Senado ay isinusulong narin ang panukala laban sa e-gambling partikular online sabong na iligal na nag-o-operate hanggang ngayon. Tuldukan!