Advertisers
Ni Archie Liao
NAGBUNYI ang MarNella fans nang maianunsyo na muling nagkaroon ng interes ang isang produksyon na gawing serye ang Wattpad novel na “I Love You Since 1892.”
Noong una kasing niluluto pa lang ito ay sina Janella Salvador at Marlo Mortel ang orihinal na naisip sa cast.
Pero, marami nang naging pagbabago sa kaganapan ng dalawa kaya di na natuloy ang proyekto na magre-reunite sana sa dating magka-loveteam.
Sa kanya namang Facebook account, nagbigay ng mensahe si Marlo hinggil sa clamor ng kafaneyan.
Aniya, nagpapasalamat siya sa mga taong naniniwala sa kanya.
Gayunpaman, sa huling pagkakataon ay iginiit niyang hindi siya ang gaganap na Juanito sa nasabing adaptation.
Sa halip ay natutuwa naman siya na nakagawa siya ng music video na inspired ng “I Love You Since 1892.”
Ito ang teksto ng kanyang mensahe.
“Sa huling pagkakataon ??
Mga binibini at ginoo, nababasa ko ang inyong mga saloobin nitong mga nakaraang araw.. at taon. Ngunit tulad ng nabanggit, ikinalulungkot kong ibalita na hindi ako ang gaganap bilang Ginoong Juanito Alfonso.
Isang malaking pasasalamat kay @binibining_mia at sa inyong lahat, sa pagtanggap at pagmamahal sa imaheng ito simula pa noong 2016. Tulad ng pagpapaligaya niyo sa akin, I did my best to bring you the same joy by embracing this gift.
Para sa inyo itong kantang “Mayakap Kang Muli” na isinulat ko noong pandemya, at Music Video ng “Huling Ngiti” na buong pusong inspired by #ILoveYouSince1892. First time kong magproduce ng Music Video, but I made sure to bring this world to life the best way I can. I poured out a lot of effort, heart (and money) to make it worthwhile even just for a few minutes. Malaking pasasalamat sa aking team at @superjanella sa pagsama at suporta upang ma-achieve ang vision na ito.
I truly believe in the magic of this story. Naririnig ko kayo. While this journey may take a different turn, I know it will still lead to something beautiful.
Hanggang sa muli, Juanito. “
Since Viva na ang magproprodyus ng nabanggit na series, lumutang naman ang mga pangalan nina Heaven Peralejo at Jerome Ponce na magbibigay buhay sa mga karakter nina Carmela at Juanito.
At dahil nasa pamamahala na rin ng Viva ang dating Kapamilya hunk na si Joseph Marco, siya ang inaasahang kukumpleto sa love triangle.
Ito naman ang reaksyon ng kibitzers sa bagong development.
“Well, good cast.”
“Since Viva nga ang producer, so di na possible sina Kai at Kyle.”
“Actually, parang nakukulangan ako sa chemistry nina Heaven at Jerome.”
“mas bagay pa rin sa akin ang MarNella.”
“End of MarNella era.”
“So ligwak na si Marlo kay Jerome.”
“Bet ko pa rin ang MarNella.”