Advertisers

Advertisers

Himala: Principal binaril ng tandem, ligtas nang tumama ang bala sa celfone

0 429

Advertisers

Iniimbestigahan ngayon kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa isang principal ng Luna National High School sa Kapalong Davao del Norte.
Kinilala ang biktima na si Apollos M. Beltran, residente ng Brgy. Mabantao Kapalong Davao del Norte.
Sa report, kahit nagtamo ng sugat sa kanyang tainga, suwerte ang biktima dahil sa cellphone nito tumama ang bala.
Ayon sa ulat, habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan ang biktima sa may crossing Clementa Maniki Kapalong sa nasabing lalawigan, bigla na lamang dumating ang mga salarin sakay ng motorsiklo ang pinagbabaril ang biktima.
Inaalam pa kung sino ang nasa likod ng pamamaril pati na ang motibo ng krimen.