Advertisers

Advertisers

Seth Curry nagpositibop sa COVID-19

0 227

Advertisers

ISINAILALIM na sa quarantine ang buong koponan ng Philadelphia 76ers makaraang

magpositibo sa COVID-19 si Seth Curry.

Lumabas ang resulta habang nakikipagtuos ang 76ers sa Brooklyn Nets kahapon.



Batay sa ilang impormante, mananatili sa New York ang Philadelphia at sisimulan ang contact tracing kinabukasan, kasama na ang panibagong round ng testing.

Una rito, si Curry na kapatid ni Golden State Warriors star Stephen Curry, ay hindi naglaro kahapon dahil sa pananakit ng kanyang bukong-bukong.

Pero nanatili sa bench ng 76ers si Curry noong first quarter ng laro bago ito umalis ng Barclays Center arena at mahiwalay sa koponan.