Advertisers

Advertisers

Bagunas sasama sa Japanese club Panthers

0 8

Advertisers

SASAMA ang Alas Pilipinas outside spiker na si Bryan Bagunas sa Osaka Bluteon, kilala rin na Panasonic Panthers, ng Japanese SV.League.

\Ginawa ng team ang anunsyo sa kanilang Facebook at Instagram.

“Maligayang pagdating sa aming koponan (Welcome to our team),” Wika ng Japanese side sa kanilang welcome post.

Sinabi ni Bagunas na maligaya siya na maging bahagi ng Osaka side.

“i’ve always admired the club’s strong culture and vision, and i’ll do my best to support the team in every way to achieve our goals,”Wika nya sa kanyang statement na pinaskil ng kanyang bagong team.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Ang Bluteon ay itinatag noong 1951 noon tinatawag na Panthers mula 1992 hanggang nakaraang taon.

Dating naglaro si Bagunas sa Japan sa V.League Division 2 side Oita Miyoshi Weisse Adler mula 2019 – 2022.

Makakasama ng 28-year-old Olympians sina Yuji Nishida, Kunihiro Shimizu, Akihiro Yamauchi, Miguel Ángel López ng Cuba, pati na rin ang two-time Olympic champion Antoine Brizard.

Bagunas, na naging bahagi ng Philippine national team since 2017 SEA Games, dating naglaro sa Taiwanese side Taichung Win Streak ng Taiwan Professional Volleyball League at Top Volleyball League.