Advertisers
ARESTADO ang 25-anyos na lalake sa P21.76 milyon halaga ng droga sa buybust operation sa lungsod ng Pasig.
Sa ulat ni P/Col. Hendrix Mangaldan, aabot sa 3.2 kilogram ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P21,760,000.00.
Dakong 11:45 ng gabi nasakote kahapon ng mga awtoridad ng Station Drug Enforcement Unit ang suspek sa Eusebio Avenue, Brgy., Pinagbuhatan sa lungsod.
Nauna rito, dati nang nadakip ang suspek sa baril ng CIDG noong Pebrero 12, 2019 at nakalaya noong Disyembre 10, 2024.
Dagdag ni Mangaldan, ang malaking accomplishment na ito umano ay bahagi ng Chief PNP’s 3 Core Pillars, Swift and Responsive Police Service and the Triple “A” Program ng NCRPO.
Ayon pa sa owtoridad, ang pagkakahuli sa suspek ay kaugnay umano sa sunod-sunod na surveillance at Intelligence Validation.
Base sa impormasyon ng pulisya, ibinabagsak ng suspek ang mga illegal n droga sa Taguig City, Taytay at Cainta.
Kasabay nito, pinuri at pinasalamatan ni Col. Mangaldan, ang kanyang mga operatiba sa pagkakahuli sa suspek at pagkarekober ng milyong peso halaga ng shabu na posibleng makasira sa mga kabataan. (Edwin Moreno)