Advertisers

Advertisers

Gatchalian: Parusahan mga kumpanya, endorser na nagpo-promote ng illegal online gambling; Jinggoy: Mahigpit na regulasyon sa halip na total ban sa online gambling

0 30

Advertisers

PLANO ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukala na layuning parusahan ang mga kumpanya at mga personalidad na sangkot sa pag-promote ng illegal online gambling sa Pilipinas.

“Maglalabas kami ng isang batas: Lahat ng kumpanya o tao na konektado sa iligal na online gambling, parurusahan,” sabi ni Gatchalian sa panayam sa radyo.

“So, for example, ikaw ay advertising agency, ikaw ay endorser, influencer, ikaw ay e-wallet. Basta ini-endorse mo yung mga iligal, parurusahan ka rin nitong bagong batas,” ani Gatchalian.

Sa nakarating na impormasyon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), nadiskubreng maraming mga influencer, kabilang ang mga artista ang nag-eendorso ng illegal online gambling.

Hindi umano alam ng mga nag-eendorsong ito na labag sa batas ang pag-promote ng illegal online gambling.

Nabatid na tumatanggap pa ng komisyon ang mga naturang endorser sa bawat taya ng mga tao sa online gambling.

“Kaya itong mga illegal online gambling sites, eh ano rin, mas mabigat ng perwisyo yan sa atin dahil walang pinabayad ni isang kusing sa gobyerno,” punto ng senador.

Nauna nang naghain si Gatchalian ng isang panukala para i-regulate ang online gambling upang mabawasan ang lumalaking bilang ng mga Pinoy na naaadik sa nasabing sugal.

Nakasaad sa kanyang panukala ang pagbabawal ng sponsorship sa mga public event gayundin bilang donasyon sa kampanya ng mga pulitiko.

Para naman kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estada, mas mainam na magpatupad ng mahigpit ng regulasyon sa legal na online gaming para maprotektahan ang mga user sa halip na total ban sa online sugal.

“If you were to ask me, ang sabi ko dyan is strict regulation. Basta accredited or sanction ng Pagcor. If it is legal, okay lang. Pero pag illegal naman, they have no business doing that here,” pahayag ni Estrada sa panayam sa radyo noong Sabado.

Naniniwala ang senador na posibleng maaring magkaroon ng underground operation kapag nagpatupad ng total ban sa online gaming sa bansa.

“Yes. Baka magkaroon ng ano [underground operation] Kasi yung Pogo nga hanggang ngayon, mayroon mga geri-guerilla pa. Yun, hindi talaga nagbabayad ng taxes yun. Ito, pag strict regulation, pag accredited at sanctioned na PAGCOR, at least nagbabayad sila ng buwis,” katuwiran pa ni Estrada.

Nauna nang tinutulan ng mga lisensyadong online gaming operator sa isinusulong na pagpapatupad ng total ban laban sa online gaming sa bansa.

Nagbabala pa silang maaring magresulta lamang ito sa black market at higit pang mamamayagpag ng mga illegal operator.

“Well, that might be true. Katulad nga ng sinabi ko kanina, yung POGO, hindi naman totally pa na-ban lahat. Meron pa mga nagtatago dyan. Mayroon pong mga ibang nasa malilit na hotel na go-operate.

Pero may nagi-guerilla niya na lang. Baka ganyan din yan,” ayon kay Estrada.

“Dapat kasi ang strict regulation, pag sinasabi ng strict regulation, pati dapat yung mga menor de edad. Hindi dapat nakaka-access. I don’t know how they will do that. Dapat yung mga minors, hindi na dapat makaka-access dun sa online gambling, online gaming,” sambit pa ng senador.