Advertisers

Advertisers

DA, FTI & NFA: MAY BEINTE NA RIN SA NORTE

0 20

Advertisers

SINO ang may sabing imposible ang beinte pesos kada kilo ng bigas sa Pilipinas?

Sa masusing pagsusuri ng mga may timon tungkol sa presyo at distribusyon ng pangunahing kailangan ng tao na bigas ay posible pala itong mabili na sa murang halagang beinte pesos per kilo na angkop sa masang Pinoy at ito ay di isang propaganda lamang dahil tapos na ang halalan at di magiging ningas-cogon lamang.

Tabi muna mga kritiko, bigyang- daan ang makataong proyekto.

Mula Visayas sa Katimugan hanggang Hilagang Luzon at tutuloy pa sa Kamindanawan ay nararamdaman na ng mamamayan ang pagtupad ng isang pangako ng kasalukuyang administrasyon ni Pagulong Ferdinand ‘ Bongbong Marcos,Jr.sa Sambayanang Pilipino.

Nitong nakaraang weekend ay inilunsad na ang programang P20 / kilo ng bigas sa proyektong Kadiwa ng Pangulo laan para sa masa na pinagsikapang isakatuparan ng ahensiya ng gobyerno partikular ang Department of Agriculture(DA) sa pakikipagtulungan ng National Food Authority at Food Terminal,Inc.

Kinatawan ni FTI Directress Dra. Risa Caldoza ang launching ng PBBM Kadiwa Project 20/ Kilo NFA Rice kaagapay sina co- Directors Gen.Joey Reyes at Gen. Sheldon Jacaban sa Baguio City at Naguillan sa La Union.

Katuwang ng humanitarian advocatress,civic leader, Army Reser vist,Lady Eagle ,beauty queen,alagad ng medisina turned public servant na si Dra. Caldoza ang mga masisipag na kawani ng DA at mga kinatawan ng NFA sa naturang historic launching ng PBBM pet project.

” Ang sarap ng pakiramdam ng nakikita natin ang kagalakan at tuwa ng mamamayang umasa sa pangako na natupad ng kanilang inihalal na leader ng bansa partikular ang pagiging realidad ng P20 per kilo ng bigas sa pakikipagtulungan ng DA na pinamumunuan ng ating Kalihim Francisco ‘Kiko Laurel, NFA at FTI,” pahayag ni Dir.Dra Caldoza.

Matapòs sa Luzon ay ilalarga ang naturang programa sa Mindanao.

Ang Food Terminal Incorporated (FTI) ay isang Government Owned and Controlled Corporation ( GOCC) na naka-pokus sa pagproseso ng pagkain at distribusyon nito sa buong kapuluan. Ang planta nito na sumasakop ng 120 hektarya ay nasa Western Bicutan sa Taguig City.

High 5 kina Dir. Caldoza, Gen. Reyes at Gen. Jacaban for job well done. FTI Mabuhay!

Lowcut – Greetings sa mga magagalang at propesyunal na kawani ng JH firm. wish ng korner na ito na marami pa kayong matulungan para sa kaunlaran ng inyong nagiging kliyente. Mark your word G.WILMARK PINEDA!