Advertisers

Advertisers

SARAH MUNTIK DI MAKAPASOK SA CONCERT NI BILLIE EILISH SA LONDON DAHIL SA ‘ALCOHOL’

0 21

Advertisers

Ni Beth Gelena

NANOOD ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ng concert nj Billie Eilish sa London.

Muntik nang hindi makapasok ang singer dahil napagkamalan ng security na may bitbit siyang alak.

Ang dala ni Sarah ay alcohol.

Ipinaliwanag ni Matteo na hand sanitizer lamang ang laman ng lalagyan kaya pinayagan silang makapasok.

Pinuri ng netizens ang pagiging simple at humble ni Sarah kahit isa siyang malaking artista sa Pilipinas.

Sa Instagram Reel ni Matteo na naka-upload ay ibinahagi niya ang kanilang karanasan habang pumipila sa Hit Me Hard and Soft Tour ni Billie sa O2 Arena.

Sa video, makikita ang couple na payapang nakapila nang inspeksyunin ang bag ni Sarah ng isang security guard.

Tinanong kung ano ang laman ng maliit na green container ni Sarah, at simple lang ang sagot ng singer: “Alcohol.”

Agad sumabat ang guwardiya, “It’s not allowed in there,” na agad ding tinapatan ni Matteo ng malinaw na paliwanag: “Hand sanitizer.”

Sa huli, pinayagan silang makapasok matapos mapatunayan na hindi alak kundi regular na rubbing alcohol lang ang dala ni Sarah.

Natawa na lamang ang singer at ikinuwento ng mister sa caption: “Almost got in trouble for bringing in ‘alcohol.’ Relax, it was just Green Cross.” Dagdag pa ni Matteo, sulit na sulit daw ang paglipad nila mula Pilipinas patungong UK para mapanood si Billie nang live.

Bukod sa aberya, todo puri rin si Matteo kay Billie Eilish.

Aniya, “She owned that stage. Commanding, electric, and totally in control.”

Sa huli, binanggit pa niya ang kanyang pangarap na magkaroon ng collaboration sina Sarah at Billie Eilish—na kung matutuloy, tiyak na ikatutuwa ng mga fans worldwide.

Agad na bumuhos ang comments mula sa netizens sa Instagram post ni Matteo.

Marami ang humanga sa pagiging down-to-earth ni Sarah. May nagsabing, “She can also make that stadium full!” habang ang isa ay nagpahayag ng paghanga: “Imagining our very own superstar from the Philippines is watching a concert like most of us, no VIP treatment… so simple and very humble people.”

***

ESNYR AT CHARLIE NAGREAK SA KOMENTO NI FYANG

SIMAGOT ni Esnyr Ranollo ang komento ni Fyang Smith na “walang makakatalo sa batch namin.”

Si Esnyr ay isa sa PBB Celebrity Collab Edition with Charlie Fleming, na katatapos lang kamakailan, samantalang si Fyang naman ang Grand Winner last year ng PBB Gen 11.

Binigyang-diin ni Esnyr sa panayam kay Boy Abunda na bawat PBB season ay may kanya-kanyang “taste” at uniqueness, at sa kaso ng kanilang batch ay talagang tinangkilik ito ng publiko dahil sa bago at espesyal na format.

Ayon naman kay Charlie, masasabing natatangi ang Celebrity Collab Edition dahil ito ang unang beses na nagsanib-puwersa ang dalawang higanteng network na GMA at ABS-CBN para sa isang reality show, kaya hindi dapat ikumpara sa ibang batch. Sa kabila ng direktang komento mula kay Fyang, nanatiling magalang at diplomatikong sinagot nina Esnyr at Charlie ang isyu, at mas pinili nilang igiit ang kahalagahan ng pagkakaiba-iba sa mga batch sa halip na makipag-kompetisyon o patulan ang isyu.

Hanggang ngayon kasi ay hindi matapos-tapos ang isyung binitawan ni Fyang hinggil sa kung alin sa PBB ang mas pinag-usapan.

Ang sagot ni Fyang ay hindi nagustuhan ng netizens at maging ang ibang naging housemates sa PBB.

Sandamakmak na pambabash ang kanyang natanggap. At nasabihan pa siyang napakayabang.

Sa Fast Talk With Boy Abunda, tahasang sinagot nina Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemates na sina Esnyr at Charlie ang kontrobersyal na komento ni Pinoy Big Brother: Gen 11 big winner Smith.