Advertisers

Advertisers

Dennis at Ruru, best actor at best supporting actor sa 8th EDDY’s; MC at Lassy ayaw na bumalik ng ‘Showtime’

0 18

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ANG Green Bones lead actor na si Dennis Trillo ang tinanghal na Best Actor sa katatapos lang na 8th EDDY’s Entertainment Editors’ Choice na ginanap sa Marriotte Hotel nung Sunday ng gabi. Ang co-star ni Dennis sa nasabing pelikula na si Ruru Madrid, ang wagi naman bilang Best Supporting Actor, ka-tie si Aga Mulach para sa Uninvited.

Ang direktor ng Green Bones na si Zig Dulay ang ginawaran ng Best Direktor, at ang nasabing pelikula bilang Best Picture. So, big winner ang Green Bones.

“Di ko po inaasahan na makakatanggap ako ng ganitong parangal, lalo na ang makasama ang ilan pa sa mga binigyan na parangal na aking tinitingala at iniidolong mga artista. Siguro po bilang isang aktor, ako po ay patul0y na mangangako na gagawin ang lahat ng aking makakaya na ibigay ang lahat ng makakaya ko sa bawat proyektong ipinagkakatiwala sa akin. Patuloy akong magiging alagad ng sining, dahil ganun ko po kamahal ang Philippine entertainment industry,” sabi ni Ruru sa kanyang acceptance speech.

“Iniaalay po namin ang award na ito sa lahat ng mga Pilipino na patuloy ang pagtangkilik sa mga pelikulang Pilipino. Lumalabas, gumagastos, pumipila para mapanood ang kanilang mga paborito sa pinilakang tabing. Para sa kanila ito. Mabuhay ang pelikulang Pilipino,” sabi naman ni Dennis sa kanyang acceptance speech.

Samantala, si Marian Rivera ang wagi naman bilang Best Actress para sa pelikulang Balota, na gumanap siya bilang isang guro.

Ang veteran actress naman na si Lorna Tolentino ang siyang nanalo bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang Espantaho na pinagbidahan ni Judy Ann Santos.

Present sina Dennis, Ruru, Marian at Lorna sa 8th EDDY’s Awards, kaya personal nilang nakuha ang kanilang trophy.

***

KAHIT pala nagkausap at nagkabati na sina Vice Ganda at MC Muah nang magkita sila sa Vice Comedy Bar na pareho nilang pag aari, balita namin ay wala nang balak pang bumalik MC sa It’s Showtime ganundin ang kaibigan nilang si Lassy Marquez. Busy raw kasi sina at MC at Lassy sa kanilang vlog kasama si Chad Kinis.

Kaya hindi raw magagawa ng dalawa na pumasok sa nasabing noontime show ng ABS CBN everyday.

Well, ‘yun nga kaya ang tunay na dahilan? Kung tutuusin kasi, kumikita sina MC at Lassy sa It’s Showtime bilang mga hosts. At malaking tulong din sa kanila ang pagkakaroon ng regular exposure dahil sa nasabing noontime show ng ABS-CBN. Bukod pa sa kumikita sila rito, sa pamamagitan ng kanilang teleng fee. Kaya nakapagtataka na ayaw na nilang bimalik sa it’ s Showtime.