Advertisers

Advertisers

Chris Paul lumagda ng isang taon kontrata sa Clippers

0 7

Advertisers

BABALIK ang twelve-time All-Star Chris Paul sa Los Angeles Clippers sa one-year deal para sa kanyang 21st NBA season.

Ayon sa ulat ang deal ay nagkakahalaga ng $3.6 million.

Ang 40-year old Paul ay sumali sa Los Angeles simula 2011-12 season,ginabayan ang Clippers sa 51 wins lima sa kanyang anim na seasons doon. Bilang franchise, Los Angeles Clippers ay nagwagi ng 50 o higit pa sa pitong beses. Limang beses naging All-Star sa kanyang anim na seasons, nangunguna sa franchise history na may 4,023 assists at 2.2 steals per game.

Sumali si Paul sa Clippers team na pinapirma rin si Bradley Beal ng two-year deal at dinagdag rin si John Collins at Brook Lopez sa free agency.

Paul ay pinangalanan sa All-NBA 11 times, kabilang ang four times first-team selection — three habang nasa Clippers.

May average siya na 17.0 points at 9.2 assists sa kanyang boung Hall of Fame career, na lumawak pa sa seven teams, karamihan sa San Antonio Spurs sa nakalipas season.Ang kanyang 2,717 career steals ay pangalawa lang kay John Stockton na may 3,265.

Paul ay na draft No.4 overall ng dating New Orleans/Oklahoma City Hornets sa 2005 draft.

Nagwagi siya ng Rookie of the year para sa 2005-06 season.