Advertisers

Advertisers

P121-MILYON ‘SUBSTANDARD GADGETS’ NASABAT SA PARANAQUE CITY

0 158

Advertisers

NAKUMPISKA ang mga substandard na wristwatches, cell phone at accessories na nagkakahalaga ng P121.47 milyon sa isinagawang raid sa Barangay Tambo, Parañaque City noong Sabado, napag-alaman sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group ng pulisya kahapon.

Ayon kay CIDG director Brig.Gen. Romeo Macapaz , isinagawa ng pulisya ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa talamak na pagbebenta ng mga substandard na produkto ng kumpanya ng teknolohiyang Apple.

Sinabi ni Macapaz na dalawang suspek, na kinilala lamang niya sa pangalang Crissa at Charles, ang nahuling nagbebenta ng mga produkto ng Apple nang walang clearance mula sa National Telecommunications Commission at rehistrasyon mula sa Department of Trade and Industry.



Kabilang sa mga nasabat sa raid ay 225 iWatches, 4,580 AirPods, 126 headphones at isang iPhone 16.

Nakumpiska din ang mga kahon ng charger set, adapter, car charge, charging cord, handheld fan, earphone at hair dryer. Nahaharap ang mga suspek sa mga reklamo dahil sa paglabag sa Republic Act 7394, ang Consumer Act of the Philippines. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">