Advertisers

Advertisers

PBBM balik-bansa na, $21B investment pledges ibinida

0 8

Advertisers

BALIK-BANSA na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang kanyang official visit sa Estados Unidos kung saan nakapulong niya si US President Donald Trump at ilang matataas na opisyal.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), bandang 10:07 nitong Miyerkules ng gabi nang lumapag sa paliparan ang sinakyang eroplano ni Pangulong Marcos at ng kanyang delegasyon.

Sa kanyang arrival statement, ibinida ni PBBM ang dala niyang mahigit $21 bilyong investment pledges mula sa iba’t ibang sektor tulad ng healthcare, infrastructure, at semiconductors.



Aniya, ito ay lilikha ng libu-libong trabaho para sa mga Pilipino at magpapatatag sa ekonomiya ng bansa sa harap ng global na hamon sa seguridad at kalakalan.

Magugunitang pinagtibay ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang “ironclad” o ‘di matitinag na alyansa sa pamamagitan ng serye ng pulong ni Pangulong Marcos sa mga matataas na opisyal ng US, kabilang sina Trump, Secretary of State Marco Rubio, at Defense Secretary Pete Hegseth.



Kasama naman sa mga natalakay ang pagpapatibay ng Mutual Defense Treaty at mga hakbang upang pigilan ang agresyon ng isang dayuhang bansa sa teritoryo ng PIlipinas at sa Indo-Pacific region. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">