Advertisers
KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes na isang Pilipinong seaferer ang hinatulan ng 18 taon pagkakakulong sa Ireland dahil sa pagkakasangkot sa smuggling ng malaking halaga ng cocaine noong 2023.
Ayon sa ulat, ang Pinoy at pitong indibidwal ay nahatulan ng Irish Special Criminal Court sa pagpasok ng 2.2 toneladang cocaine na nagkakahalaga ng €157 milyon (humigit-kumulang P9.7 bilyon) sa Ireland.
“Ang orihinal na sentensiya ay 28 taon ngunit ibinaba ito sa 18 dahil sa mabuting pag-uugali”, ayon kay DFA Undersecretary Ed De Vega.
Hindi na binanggit ng DFA ang pagkakakilanlan ng Pinoy seafarer.