Advertisers

Advertisers

Manila City Gov., nagbabala vs GO! Manila parking fee scam

0 196

Advertisers

NAGBABALA Manila City Government sa publiko kaugnay ng umano’y ‘GO! Manila parking fee scam.’

Sa public advisory ng Manila City Government, nabatid na nakatanggap sila ng mga ulat mula sa mga residente hinggil sa natatanggap nilang mga mapanlinlang na mensahe na nagsasabing mayroon silang hindi nabayarang parking fee, sa pamamagitan ng GO! Manila app..

Kasama umano ng mensahe ang isang link, na kung iki-click ng user ay ididirekta sila sa isang fraudulent website na humihingi ng detalye ng credit card para sa pagproseso ng bayad.

“The scam involves a text message stating that the recipient has an alleged violation with the City of Manila, along with a payment link: https://gomanlia.com/. The link directs users to a fraudulent website that requests credit card details for payment processing,” anito pa.

Paalala naman ng Manila LGU, ang naturang mensahe ay hindi opisyal na komunikasyon mula sa lokal na pamahalaan.

Dagdag pa nito, ang naturang link ay bahagi lamang ng scam at hindi dapat na i-clicked.

“PLEASE BE ADVISED: This message is NOT an official communication from the City of Manila,” anang Manila LGU. “The provided link is part of a SCAM and should NOT be clicked.”

“Do not enter any personal or payment information on the site,” anito pa.

Hinikayat rin naman ng lokal na pamahalaan ang mga taong nakatanggap ng mensahe na huwag itong pansinin at kaagad na burahin na lamang.

“If you receive such a message, ignore and delete it immediately. For legitimate parking violations or payments, please verify through official City of Manila channels,” anang lokal na pamahalaan.

“Stay vigilant against phishing attempts. Report suspicious messages to the proper authorities,” payo pa nito. (ANDI GARCIA)