Advertisers

Advertisers

MURDER’ VS ATONG ANG!

0 81

Advertisers

NAGSAMPA na nitong Biyernes ang pamilya ng mga nawawalang sabungero ng mga kasong ‘murder’ at ‘serious illegal detention’ laban sa gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang, police officers, at ilang indibidwal sa Department of Justice (DOJ).

Nagpahayag ng kalungkutan at pagkatuwa si Ryan Bautista, kapatid ng missing sabungero na si Michael, sa kanilang pagsampa ng mga reklamo.

“Makakapag-file na din kami ng kaso,” sabi niya sa panayam ng media. Aniya, ang pagsampa ng murder at serious illegal detention ay nakatuon laban kina “Atong Ang and his companions.”



Inilarawan ni Bautista ang araw na matagal na nilang hinihintay na oportunidad para sa hustisya, sinabing: “Syempre po, masayang masaya. Ito na po ang pagkakataon namin at ‘yung matagal na panahon namin na paghihintay, 4 years din po.”

Kinumpirma naman ni Charlene Lasco, kapatid ni Ricardo Lasco na dinukot din ng mga armadong grupo at hindi na nakita, na mahigit 30 pamilya ang nagsama-sama sa pagsampa ng pormal na reklamo.



Pinangalanan niya ang mga indibidwal na kinasuhan na sina Ang, Eric dela Rosa, Rjay Mejia, at ilang police officials na matagal na nilang pinaghihinalaang nasa likod ng karumal-dumal na krimen.

Nanawagan si Lasco sa DOJ na magsagawa ng masu-sing imbestigasyon: “Ang hi-ling namin sa kanila ay masu-sing pag-aralan at imbestigahan para magkaron ng probable cause at para magkaron ng basis para maisyuhan na sila ng warrant sa lalung madaling panahon.”



Ang mga pamilya ay sinamahan ng mga opisyal ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng DOJ.

Sina PNP chief General Nicolas Torre III at whistleblower Julie Patidongan alias Totoy ay dumating din sa DoJ.