Advertisers

Advertisers

Pagkawala ng gambling issue sa SONA idinepensa ng Palasyo

0 97

Advertisers

MULING tiniyak ng Malakanyang na masusing pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isyu ng online gambling sa bansa.

Ginawa ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang pahayag matapos madismaya ang ilang mambabatas sa hindi pagkakabanggit nito sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Castro, hindi minamadali ng administrasyon ang desisyon patungkol sa online gambling dahil kailangang maunawaan muna ang kabuuang epekto nito, lalo na kung ito ay legal o iligal.



Binigyang-diin ni Castro na bagama’t may sigaw mula sa publiko kontra sa online gambling, hindi dapat kaligtaan ang potensyal nitong kita para sa pamahalaan lalo na kung ito ay lisensiyado naman.

Tinukoy din ni Castro ang kaso ng e-sabong bilang halimbawa ng kailangang suriing mabuti ito.



Aniya, kahit ipinasara na ito noon, may mga report pa rin na nagpapatuloy ang illegal operations nito.

Giit pa ni Castro, nais lamang ng Pangulo na maging maingat sa pagbuo ng mga polisiya upang hindi magdulot ng mas malaking problema sa ekono-miya at sa serbisyo publiko. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">