Advertisers
ANG Clark International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (CRK-IADITG) na binubuo ng National Bureau of Investigation – Pampanga District Office (NBI-PAMDO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC), at Philippine National Police (PNP), ay nagsagawa ng Drug Interdiction sa isang courier warehouse sa Clark Freeport Zone, Mabalacat,Pampanga.
Sa ulat ng NBI, noong Hulyo 30, 2025 ay sinuri ng mga awtoridad ang isang package na idineklara bilang Data Cable Roll kung saan ay nakatago sa loob ang anim (6) na transparent plastic bag na naglalaman ng Ketamine, na tumitimbang ng 5,062 gramo at may tinatayang market value na humigit-kumulang Php25,310,000.00.
Ang mga sample ng Ketamine ay minarkahan, tinimbang, at sapat na halaga ang kinuha ng BOC para sa pagsusuri ng PDEA.
Pinuri ni NBI Director Judge Jaime Santiago ( Ret. ) ang NBI-PAMDO kasama ang Task Force para sa matagumpay na interdiction sa Pampanga. (JOJO SADIWA)