Advertisers

Advertisers

Sambo, sambo!

0 14

Advertisers

2 tanso sa 2025 World Sambo Cup sa Armenia.5 ginto, 1 pilak at 5 tanso noong 2023 SouthEast Asian Sambo Championships sa Cambodia.

Huling dito ginanap ang martial arts na nagmula sa Russia ay noong 2019 Manila SEA Games. Naka-2, 1 at 7 na gold-silver-bronze tayo sa sport na hawig sa judo at westling.

“Yan ang ilan lang sa medalyang naiuwi ng mga atleta natin sa aming laro, “ kwento ni Paolo

Tancontian, Pangulo ng Pilipinas Sambo Federation.

Kasama ni Tancontian ang anak niyang si Sydney na numero 3 sa buong mundo sa women’s 80 kg category nang maging panauhin namin sila sa OKS@DWBL noong isang Lunes.

Pareho nilang nakikita ang malaking potensyal ng kanilang game sa Pinas.

Nasa ikasamping taon pa lang nga naman pero marami na silang nadalang karangalan bilang mga Pinoy.

Tinitingnan nila ang posibilidad na ma-host natin ang Asian Championships upang magkaroon pa tayo ng exposure sa international play. .

“ Mas maigi maraming laban ang ating mga manlalaro, kay sa mag-hire pa tayo ng foreign coaches” wika ni Sydney sa amin ni katotong Lito Cinco ng People’s Tonight.

Gayon din ay nilalakad nilang mapabilang ang sambo sa susunod na Batang Pinoy sa Puerto Prinsesa para mapalawak ang base ng sport..

Nasa pangangalaga ni Commissioner Fritz Gaston ng PSC ang NSA nila at wala silang gaanong problema sa pondo.

“ Alaga po kaming mabuti ng PSC kaya lubos pasasalamat namin sa gov’t agency,” diin ng mag-amang Tancontian.

***

Alam nyo bang 9x lang na supalpal ang signature skyhook ni Kareem Abdul Jabbar?

Oo, siyam na tao lang din naka-block sa tira na sinasabing napakahirap mapigilan.

Wilt Chamberlain, Hakeem Olajuwon, Nate Thurmond, Bill Walton, Robert Parish, Ralph Samson, Mark Eaton, Julius Erving at Bill Willoughby ang mga tanging manlalaro na nablanka ang may 2nd most points scored sa NBA sa loob ng dalawang dekada niya sa liga.

May iba pang player naistop ang bola nguni’t tinawagan ng goal tending ng teperi.

Talaga kasing halos imposible eh. Ang bola sa tangkad ni Jabbar at taas niyang tumalon ay nasa downward arc na kaagad.

Eka nga ni Manny Millan na aming class valedictorian sa elementary sa Paco Catholic School ay really one of kind si Kareem at kanyang skyook.

***

Pinatunayan ni Leo Austria na champion talaga siya. Humina ang SMB nang siya ay pinalitan.

Ngayon ibinalik siya sa dating puwesto at hindi nagtagal may korona muli ang Beermen.

Tunay na magaling. Kita na natin mula pa nang madomina ng hawak niyang Welcoat ang PBA noong araw.

Ire naman si LA Tenorion ang susubukan ng SMC kung may ibubuga sa coaching. Ganap na siyang head coach na nailuklok siya sa Magnolia Hotshots. Fresh yan mula sa pag-handle ng Gilas Youth.