Advertisers
Makaraan ang nakabibinging mensahe ni Marcos Jr. sa kanyang State Of the Nation Address (SONA) kamakailan na direktang inakusahan ng talamak na korapsyion ang mga masisibang opisyal ng pamahalaan at mga buwayang mambabatas ng Kongreso.
Tama at nararapat lamang na isailalim sa isang honest to goodness lifestyle check ang mga matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinamumunuan ni Secretary Manuel Bonoan.
Hindi rin dapat ipagkatiwala ni Bongbong Marcos sa pamunuan ng DPWH ang gagawing malalimang inquiry dahil lalabas lamang na isang zarzuela ang isasagawang imbestigastigasyon..
Hindi rin makatwirang nag- iimbestiga ang mga taong dapat imbestigahan,di po ba?
Di rin dapat makuntento sa pagsibak lamang sa puwesto at paglilipat ng assignments ang kaparusahan sa mga mapapatunayang dorobo at magnanakaw sa kanilang tungkulin.
Marapat lamang na sila ay masampahan ng kasong kriminal, makulong at tuluyang mapanagot sa batas.
Kung seryoso talaga si BBM sa kanyang mga binitiwang salita,dapat sana ngayon ay may umuusad ng imbestigasyon patungkol dito,pero wala pa rin!
Ano nga ba ang motibo ni Marcos Jr. sa kanyang mga binitiwang maaanghang na mga salita nitong nagdaang SONA?
Ayusin ang mga dapat itama o bolahin at budulin muli ang mamamayan? Dapat malinaw at klaro ang intensiyon at motibo ni BBM.
From top to bottom dapat ang paghalukay sa katotohan na gagawin sa DPWH at si Sec Bonoan ay hindi dapat exempted sa halukayan at imbestigasyong gagawin.
Ngayon ngang si Senator Rodante Marcoleta na ang taga- Pangulo ng Blue Ribbon Committee ng Senado, tiyak na lalabas ang sangkaterbang kabulukan ng Kagawaran.
Isailalim lahat ng mga opisyal ng DPWH sa lifestyle check.
Dito magkakabistuhan kung ang accumulated wealth ng isang opisyal ay commensurate sa kanilang legal na monthly pay.
Ganoon din ang ilang mambabatas ng Kongreso na notorious sa SOP at mga magic sa mga kontrata at biddings na kanilang pinanghihimasukan at dinadambong sa bakuran ng DPWH.
As expected,dapat nang halukaying ang conspiracy ng mga opisyal ng DPWH at ng mga tulisang pulitiko. Lantaran nang pinag- uusapan sa bawat sulok ng bansa ang isyung Ito na nakarating na rin sa bulwagan ng Kongreso at Senado.
Sa dami ng mga indibidwal na nagboboluntaryong tumestigo at magladlad ng mga ebidensiya at resibo gaya ni Baguio City Mayor Benjie Magalong at mga lawyers’ organizations,siguradong marami na ang mapupunta sa Muntinlupa.
Hindi na rin kailangang bumuo pa ng isang investigative body na popondohan pa ng panibagong budget.
Sapat na ang National Bureau of Investigation (NBI), Ombudsman at COA para gawin ang independent but parallel investigations na ito laban sa mga magnanakaw sa gobyerno.
Sa DPWH pa lamang,siguradong hindi bababa sa 100 opisyales ang magpopositibo sa talamak na kultura ng pangungulimbat sa pera ng bayan.
May undersecretary ngang sinibak agad bago pa man ang SONA ni BBM pero bini- baby ito at pinoproteksyonan ng kanyang mga kapwa opisyal, padrino at ng kanyang immediate boss dyan sa DPWH.
Tila may news blackout rin sa mainstream media.
Walang banggit sa pangalan ng nasabing sinibak na UNGAS na opisyal at kung saan ito itinapon.
Paanong di poproteksyunan ang sinibak na usec eh baka biglang kumanta nang wala sa tono at magmakapili.
Ang usec na ito ay may ilang NBI agents na tumatayong bodyguards at ginagawang extension office ng DPWH ang posh 5-star Diamond Hotel dyan sa Roxas Blvd., Manila.
Hindi po ba Mr.Ramon Ang sir?
Bigtime talaga ang taranrado… bully as in siga-siga dyan sa DPWH.
Marami ang nagpapatotoong ang sinibak na usec ang tinaguriang infamous bagman ng Kagawaran.
Totoo rin ba na usong- uso sa hanay ng mga district engineers,provincial engineers at regional directors ang lingguhang “parating” o yung tinatawag na ” pakimkim system” para sa mga pinagpalang opisyales ( bossing) sa DPWH Central Office?
We will name names sa ating muling pagtalakay!
May kasunod…
Abangan
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com